Parabula ng Alibughang Anak (Grade 7)
PARABULA NG ALIBUGHANG ANAK IKA-7 NA BAITANG I. LAYUNIN 1. Nakakikilala ng pagkakaiba ng parabula sa iba pang tuluyang panitikan o prosa. 2. Nabibigkas nang wasto at may damdamin ang Parabula ng Alibughang Anak. 3. Nakabubuo ng mga kuro-kuro hinggil sa isyung kinalalakipan ng akda. II. PAKSANG ARALIN A. Paksa Parabula ng Alibughang Anak B. Integrasyon sa iba pang Asignatura: Panitikan C. Pagpapahalaga: Ang pagtatalakay sa kaligiran at katuturan ng parabula, bilang isang uri ng tuluyang panitikan, ay kumikiling sa pagkakaroon ng mga kaugalian at kabutihang loob na makukuha mula sa moral ng kuwento. ...