Parabula ng Alibughang Anak (Grade 7)
PARABULA NG ALIBUGHANG ANAK
IKA-7 NA BAITANG
I. LAYUNIN
1. Nakakikilala
ng pagkakaiba ng parabula sa iba pang tuluyang panitikan o prosa.
2. Nabibigkas
nang wasto at may damdamin ang Parabula ng Alibughang Anak.
3. Nakabubuo
ng mga kuro-kuro hinggil sa isyung kinalalakipan ng akda.
II. PAKSANG
ARALIN
A.
Paksa
Parabula ng Alibughang
Anak
B. Integrasyon
sa iba pang Asignatura: Panitikan
C. Pagpapahalaga: Ang
pagtatalakay sa kaligiran at katuturan ng parabula, bilang isang uri ng tuluyang
panitikan, ay kumikiling sa pagkakaroon ng mga kaugalian at kabutihang loob na
makukuha mula sa moral ng kuwento.
D. Kagamitan
- PowerPoint
presentation
- Laptop
- Projector
Screen
- Yeso
- Pisara
E. Sanggunian
W. (2017, November 7). Ang
Alibughang Anak. Wikakids.
https://www.wikakids.com/filipino/parabula/ang-alibughang-anak/
III. PAMAMARAAN
1. Panimulang
Gawain
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagtala
ng mga Lumiban
2. Paglinang
sa Gawain
a. Pagganyak
Ang
guro ay magpapanood ng video mula sa YouTube:
https://www.youtube.com/watch?v=BiXh9RncUKg
b. Pagtatalakay
sa Aralin
“ANG ALIBUGHANG ANAK”
May isang
mayamang ama na may dalawang anak na kapwa lalaki. Hiniling ng bunsong anak na
ang manang kanya sa kayamanan ng kanyang ama ay ibigay na sa kanya. Nang makuha
na ng bunso ang kanyang mana ay ipinagbili niya agad ito makalipas lamang ang
ilang araw. Matapos ito ay umalis siya at nagtungo sa malayong bayan. Dito niya
walang habas na nilustay ang kabuhayang ipinagkaloob ng ama.
Hindi
nagtagal, naubos na lahat ang kanyang salapi. Nang dumating ang taggutom sa
bansang iyon ay isa na siyang pulubi. Namasukan siya bilang tagapag-alaga ng
mga baboy. Dahil sa gutom, nais na niyang kainin pati pagkain ng mga baboy na
alaga niya. Ngunit maging ito ay ipinagkakait din sa kanya ng kanyang amo.
Sa
ganitong kalagayan, naisip niya ang kanyang ama. Ang mga manggagawa nito ay
kumakain nang maayos habang heto siya na nagugutom at walang makain. Agad
siyang nagpasyang bumalik sa dating tahanan.
Gayon na
lamang ang galak ng kanyang ama. Sinalubong nito ng yakap at halik ang nagbalik
na anak. “Ama, nagkasala ako sa Diyos at sa iyo. Hindi na ako karapat-dapat na
maging anak mo. Ituring mo na lang akong isa sa iyong mga alila,” sabi ng anak
sa ama.
Ngunit
inutusan ng ama ang mga alila na linisan at bigyan ang anak ng pinakamagarang
kasuotan. Ipinasuot din niya rito ang isang mamahaling singsing, at binigyan ng
sapatos para sa kanyang mga paa. Ipinagpatay din siya ng isang matabang baka at
sa ngalan niya ay nagkaroon ng isang pagdiriwang.
“Ang anak
ko ay nawala at ngayon ay nagbalik. Ipagdiriwang natin ang kanyang pagbabalik,”
ang sabi ng nagagalak na ama.
Namangha
ang nakatatandang kapatid nang dumating siya sa kanilang tahanan. Itinanong
niya sa isang katulong kung ano ang sanhi ng pagdiriwang. Nang malaman niya ang
sanhi ng kasayahan ay gayon na lamang ang kanyang galit kaya’t di napigilan ang
kanyang sarili at sinumbatan ang ama.
“Akong
masunurin ninyong anak na buong katapatang naglilingkod sa inyo ay hindi ninyo
naipagpatay kahit isang guya man lamang. Ngayong dumating ang alibugha ninyong
anak na lumustay ng inyong kayamanan ay gugugol kayo nang malaki at
magdiriwang!”
Sumagot
nang marahan ang ama, “Anak ko, ikaw ay lagi kong kapiling. Ang lahat ng akin
ay iyo. Tayo’y nagsasaya ngayon sapagkat ang kapatid mong namatay ay muling
nabuhay. Siya ay nawala at muli nating nakita.”
IV. PAGTATAYA
1.
Pagbubuo ng Repleksyon.
Ang
mga mag-aaral ay inaaasahang mag-reflect sa natalakay na parabula ng
Alibughang Anak.
§
Sa inyong palagay, ano
ang naging kapansin-pansin na eksena sa naturang kuwento?
§
Masasabi mo bang
sumasalamin ito sa kasalukuyang mga pangyayari? Bakit?
2.
Paglalapat
Gamitin
sa pangungusap ang mga salitang nasa ibaba na nabanggit sa kuwento:
§ Alibugha
§ Katulong
§ Mana
§ Salapi
§ Nilustay
V. TAKDANG-ARALIN
(30 puntos)
1. Basahin
ang Parabula ng Nawawalang Tupa. Mula rito, sipiin ang ilang mga linyang nagkaroon
ng pagkakapareho sa natalakay na Parabula ng Alibughang Anak.
Comments
Post a Comment