Ang Dula sa Pilipinas (Grade 11)

                                                                                     (2)

ANG DULA SA PILIPINAS

IKA-11 NA BAITANG

 

I.                LAYUNIN

 

A.    Nakakikilala ng pagkakaiba ng dula sa iba pang uri ng tuluyan, katulad ng nobela.

B.    Nakapakikinig nang masusi at may layunin sa pagtatalakay ng kasaysayan ng dula.

C.    Nakapagdurugtong ng mga ideya mula sa talakayan tungo sa realidad ng lipunan.

 

II.             PAKSANG-ARALIN

 

A.    Paksa

 

Kasaysayan ng Dulaang Filipino

 

B.    Integrasyon sa iba pang Asignatura: Malikhaing Pagsulat

C.    Pagpapahalaga: Pagkakaroon ng prior knowledge sa paksa at pagbuklat sa ugat ng pagkakalikha ng naturang sining na tumatalakay sa iba’t ibang uri ng pamumuhay ng mga Pilipino.

 

D.    Kagamitan

 

-        Whiteboard                                                           - Projector

-        Whiteboard marker                                              Videos mula sa YouTube

 

E.    Sanggunian

Staff, H., 2020. Kasaysayan Dula Sa Pilipinas — HUMSS. [online] HUMSS. Available at: <https://www.humss.net/kasaysayan-dula-sa-pilipinas/> [Accessed 7 December 2020].

 

III.           PAMAMARAAN

 

1.     Panimulang Gawain

 

a.      Panalangin

b.     Pagbati

c.      Pagtala ng mga Lumiban

d.     Pagbabalik-aral

 

2.     Paglinang sa Gawain

 

a.      Pagganyak

Magpapanood ang guro ng mga bahagi ng mga partikular na teleserye na naipalabas sa telebisyon. Magkakaroon ng ideya ang mga estudyante sa kung saan patungkol sa dula at ano ang koneksyon nito sa entertainment. Sa ganitong paraan, magkakaroon ng paunang kaalaman ang mga mag-aaral habang nasisiguro ang kasiyahan sa loob ng silid.

 

                    3) Pagtatalakay

 

Sa An Essay on Philippine Theater, ipinaliwanag ni Nicanor G. Tiongson (kilalang iskolar ng pelikula at drama sa Pilipinas) na ang mga dramatikong anyong umusbong at patuloy na umiiral sa iba’t ibang grupo sa kapuluan ay ang: (1) katutubong dula, pangunahing may katangiang Malay, tulad ng mga nakikita sa mga rituwal at mimetikong sayaw; (2) mga dulang may impluwensiyang Espanyol, tulad ng komedya, senakulo, zarzuela, maiikling dula, at drama; (3) dulang dinala sa Pilipinas ng mga Amerikano, tulad ng bodabil at mga dula sa Ingles; at (4) mga orihinal na dulang itinanghal ng mga Pilipino.

 

1. Katutubong Dula

Sa kasalukuyan, isinasagawa o itinatanghal pa rin ng mga katutubong pangkat sa Pilipinas ang kanilang mga kinagawtan at ritwa] sa mahahalagang bahagi ng kanilang buhay tulad ng kapanganakan, binyag, pagtutuli, unang regla, panliligaw, kasal, sakit, at kamatayan. Itinatanghal din ang mga ito sa ritwal na may kinalaman sa mga gawain tulad ng pagtatanim at pag-aani ng palay, pangingisda, at pangangaso.

 

Mahalagang Ideya

Naipahahayag sa dula ang mga pannivvala ng mga katutubo at nagdudulot ito ng pagkakaisa sa komunidad para sa ikabubuti ng lahat.

 

Katulad ng mga ritwal, may mimetikong katangian din ang inaraming katutubong sayaw kaya maituturing ang mga itong sinaunang anyo ng drama. Karaniwang itinatanghal ang mga sayaw na ito sa pantiligaw, kasal, paktkidigma, kapanganakan, at maging kamatayan. Ayon kay Femandez (2004), bagaman inilarawan at itinala ng mga Espanyol ang mga katutubong anyo ng dula, hindt ntla ito itinuring na dula dahil hindi gurnamit ang mga katutubo ng entablado, kostyurn, props, iskrip, at mga kurnbensiyon ng dulang Espanyol.

Mapapansing may matalik na ugnayan ang katutubong dula at pamumuhay ng ating mga ninuno. Naipahahayag sa mga pagtatanghal ang kanilang raga paniniwala at makikita sa mga ito ang kanilang materya1 na kultura at gawi. Makabuluhan para sa kanila ang mga pagtatanghal dahil pinagbubuktod nito ang mga tao sa komuntdad para sa ikabuhuti ng lahat (Tiongson, 1989).

Ayon kay Fernandez (2004), ang mga mirnetikong ritwal at sayaw ay purong anyo ng drarnang pangkomunidad. Wala ritong tila “pader” na naghahati sa mga nagtatanghal at sa manonood sapagkat ang mga nasa awdyens ay bahagi ng ritwal, at dahil dito ay maituturing din silang tagapagtanghal. Flindi na kailangan pang ipaliwanag sa mga manonood ang pagtatanghal dahil may pinagsasaluhang karanasan ang lahat ng kasapi ng kornunidad.

 

2. Dulang May Impluwensiyang Espanyol

Sa mahigit na 300 taong pananakop ng mga Espanyol sa ating lupain, nakita ng mga inananakop ang kapangyarihan ng teatro bilang kasangkapan sa pagpapayakap ng Kristiyantsmo sa mga katutubo at sa panghihikayat sa kanila na iwan ang kabundukan at manirahan sa ingaptteblo o mga bayang tinatag ng mga mananakop. Dahil dito, umusbong at naging popular sa mga PiIipino ang mga retthiyosong dula (itinatanghal upang ipagdiwang at kilalanin ang mahahalagang araw ng mga Katoliko tulad ng Pasko, kuwaresma, o pista ng pagkabuhay) at sekular na dula (karaniwang itinatanghal sa mga pista ng bayan).

Isa sa mga anyo dulang ipinakilala ng mga Espanyol ay ang komedya (kilala rin bilang moro-moro at linamhay). Ito ay patulang dula na tumatagal ng 3-15 oras at maaaring itanghal sa magkakaln na sesiyon. Ang mga relihiyosong komedya ay karaniwang tungkol sa buhay ng mga santo, samantalang ang mga sekular na komedya ay karaniwang umiinog sa mga kuwento ng pag-ibig o paghihiganti.

 

Sa mga relihiyosong dula sa Pilipinas, umangat ang senakulo na kilala rin sa tawag na pasion y muerte (pasyon at kamatayan), tanggal, at centurion. Nagsimula ito bilang pagsasadula ng buhay at paghihirap ni Hesu Kristo na ng Iumaon ay nadagdagan ng mga kuwentong apokripo o mga kuwento mula sa mga aklat na hindi kanoniko at hindi tiyak ang pinagmulan.

Ipinakilala naman ng mga Espanyol ang sarsuwela o zarzuela noong huling bahagi ng dekada 1870 at naging popular mula dekada 1900 hanggang 1940 sa Maynila at iba pang bahagi ng Pilipinas. Karaniwan itong binubuo ng mga diyalogo, sayaw, at awit na madalas ay tungkol sa romantikong pag-iibigan ng mayayaman at nakatutuwang pag-iibigan ng mga alalay o kasambahay. May ilan ding pumupuna sa mga bisyo at kahinaan ng tao o Iipunan (buktot na politiko, mapang-aping panginoong maylupa, batugan, asawang lasenggo, at iba pa) sa paraang mapagpatawa.

 

Isang mahalagang pag-unlad sa teatro ang pag-iral ng sarsuwela dahil pinasimulan nito ang mas realistikong representasyon ng buhay at kulturang Pilipino. Hindi laraang magagarbong set at kostyu.m ang itinatanghal dito, kundi maging mga karaniwang tauhang Pilipino, pananalita, at sitwasyon. Nagsisilbi rin ang sarsuwela bilang kasangkapan sa pagmamatyag; karaniwan dito ang pagpuna sa mga miyembro ng lipunang may hindi kaaya-ayang asal at gawi.

 

Mahalagang Ideya

Kung ihahambing sa komedya at senakulo, mas makatotohanan o realistiko ang representasyon ng kultura at buhay ng mga Pilipino sa sarsuwela.

Kung pag-uusapan naman ang kahinaan ng mga dulang ito, masasabing napahihina ito ng mga simplistang paraan ng pagreresolba ng mga suliranin. Ito ay dahi I gumagamit dito ng tadhana, mga aksidente, o deus ev machina (pangyayaring hindi inaasahan at nagliligtas sa isang sitwasyong pag-asa; hindi sumusunod sa lohika ng sanhi at bunga) upang masolusyonan ang problema at madulutan ng masayang pagtatapos ang lahat.

 

Sa mga Tagalog, nakilala ang mga sarsuwela ng mga manunulat na sina Severino Reyes, Hermogenes Ilagan, at Julian Cniz Balmaseda, at mga kompositor na sina Fulgencio Tolentino at Juan S. Hemandez. Sa Cebui nakilala naman ang mga sarsuwela nina Vicente Sotto at Buenaventura Rodriguez; sa Pampanga, ng Inga katulad nina Juan Crisostomo Soto at Aurelio V. Tolentino; sa Bieol. nina Asiselo Jimenez at Jose Figueroa; sa lloilo, ng mga katulad nina Valente Cristobal at Jimeno Damaso; sa llocos, nina Mena Pecson Crisologo at Leon Pichay; at sa Pangasinan, nina Catalino Palisoc at Pablo Mejia.

 

3. Dulang May Impluwensiyang Amerikano

Malaki ang naging impluwensiya ng kolonisasyong Amerikano sa anyo at pilosopiya ng teatro sa Pilipinas noong dantaon 20. Makikita ito sa bodabil (mula sa vaudeville) o Kanluraning dula na itinatanghal sa Ingles o sa Filipino kung ito ay salin o adaptasyon. Ang anyong ito na idinala ng mga Amerikano sa Pilipinas noong dekada 1920 ay pagtatanghal ng mga awit, sayaw, at nakatatawang iskit na nagtatampok ng kung ano ang popular sa Estado s Unidos. Hindi gaanong ipinapakita sa bodabil at mga Kanluraning dulang itinanghal sa Pilipinas ang buhay at kultura ng mga Pilipino.

Ginagaya lamang ng mga Pilipinong tagapagtanghal ang mga Ametikano kaya naman nahihirapan sila sa paggaya sa pananalita at pag-awit ng mga dayuhan. Nariyang gayahin din nila ang kilos sa pagsasayaw ni Fred Astaire—kilalang Amerikanong mananayaw, mang-aawit, at aktor—at iba pang sikat na personalidad sa Hollywood. Sa mga Kanlurang dula na itinatanghal sa Ingles, ginagaya ng mga Pilipino ang aksent (diin o punto sa pagbigkas) ni Laurence Olivier, respetadong aktor sa Britanya, upang maging mas kapani-paniwala bilang Macbeth o iba pang tauhan sa mga dula ni William Shakespeare.

Sa pamamagitan ng bodabil, naipakilala sa mga Pilipino ang buhay-Amerika sa pamamagitan ng mga popular na awit, sayaw, nakatatawang iskit, at iba pang magarbong produksiyon. Ang mga higit na nakaririwasa naman ay nagpupunta sa mga teatro upang magkaroon ng ugnayan sa mga tauhan sa mga dula ni Tennessee Williams (Amerikanong mandudula at may likha ng mga klasikong The Glass Menagerie, A Streetcar Named Desire, at Cat on a hot Tin Roof).

Bagaman ang pag-usbong ng bodabil at mga Kanluraning dula sa Pilipinas ang nagpadali sa Amerikanisasyon ng mga Pilipino, masasabing may kabutihan ding naidulot ito. Isa na rito ang pagpasok ng mga modemong teorya at estilo na nagbigay ng inspirasyon sa mga mandudula na palalimin at palawakin ang saklaw ng dula (Tiongson, 1989). Dahil dito, nabigyan ng pagkakataon ang mga mandudula, direktor, aktor, tagapangasiwa ng entablado, costume designer, at iba pa na mag-eksperimento upang maiangat ang kalidad ng dula sa Pilipinas at higit na mailapit ito sa rnas malaking populasyon.

 

4. Mga Orihinal na Dulang Pilipino

Sa kasalukuyan, marami sa mga orihinal na duiang Pilipino ay produkto rig mga paligsahan sa panitikan o sa mga palihan sa malikhaing pagsulat. Nariyan ang Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, Virgin Labfest, at mga pambansang palihang inoorganisa ng mga pamantasan tulad ng University of the Philippines, De La Salle University, University of Santo Tomas, Ateneo de Manila University, Mindanao State Universit-y – Iligan Institute of Technology (MSU-IIT), at Silliman University.

 

Lumilikha at nagtatanghal din ng mga orihinal na dula ang mga organisasyong tulad ng Philippine Educational Theater Association (PETA), Repertory Philippines, Sipat Lawin Ensemble, Atlantis Productions, Triumphant People’s Evangelistic Theatre Society (Trumpets), at Tanghalang Pilipino. Hindi pa kasama rito ang mga pangkat ng mandudula sa mga komunidad sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Nariyan din ang mga organisasyong nakabase sa mga pamantasan tulad ng Dulaang UP, Teatro Tomasino, Tanghalang Ateneo, Sining Kambayoka ng MSU Marawi, at Integrated Performing Arts Guild ng MSU-IIT.

 

Mahalagang Ideya

Higit na umangat ang realismo (indibidwal at panlipunan) sa kontemporaneong dula sa Pilipinas.

Sa kabuuan, umangat angrealismo sa kontemporaneong dula sa. Pilipinas. May dalawang sanga ang kilusang ito— (1) ang tendensyang sikolohikal na nakatuon sa mga problema ng mga indibidwal at (2) ang tendensiyang panlipunan na inilulugar ang problema ng indibidwal sa mas malawak na konteksto ng lipunan. Ibig sabihin, ang problema ng indibidwal ay dulot ng mga puwersa sa lipunan na kailangan niyang harapin.

 

 

IV.           TAKDANG-ARALIN

 

1.     Maghanap ng iba pang uri ng dulang itinanghal sa entabladong Pilipino.

2.     Mula sa natalakay, bumuo ng isang replektibong papel na umiikot sa kahalagan ng dula, bilang isang uri ng panitikan, sa kontemporaryong pamumuhay ng mga Pilipino. (20 puntos)

Comments

Popular posts from this blog

Tanka at Haiku (Grade 9)

Mga Pagbabagong Morpoponemiko (Grade 11)