Tanka at Haiku (Grade 9)

TANKA AT HAIKU

IKA-9 NA BAITANG

 

I.                LAYUNIN

 

Sa loob ng isang oras, hindi bababa sa 80% ng mga mag-aaral ang makagagawa ng mga sumusunod na mga layunin na hindi bababa sa 80% na antas ng kahusayan.

 

1.     Nabibigkas ang isinulat na tanka at haiku nang may wastong antala/hinto, at damdamin. (F9PS-IIa-b-47)

2.     Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang salitang ginamit sa tanka at haiku. (F9PT-IIa-b-45)

3.     Naisusulat ang payak na tanka at haiku sa tamang anyo at sukat. (F9PU-IIa-b-47)

 

II.             PAKSANG-ARALIN

 

A.    Paksa: Tanka at Haiku

 

B.    Pagpapahalaga: Pagkakaroon ng kaligiran sa pagpapasakahulugan ng mga tao, bagay, ideya, pangyayari, at iba pa, tungo sa masusing pag-intindi sa kung ano at paano at ang pagkakaroon ng kritikal na pagdalumat sa mga ideya.

 

C.    Kagamitan

 

-   Laptop                                                                                           

-   Aklat

-   YouTube

 

 

 

D.    Sanggunian 

 

o   Filipino Curriculum Guide – Grade 7                

 

o   Tanka At Haiku: Mga Halimbawa At Kahulugan Nito. (2020, February 8). Tanka At Haiku: Mga Halimbawa At Kahulugan Nito. https://philnews.ph/2020/02/08/tanka-at-haiku-mga-halimbawa-at-kahulugan-nito/

  

      

                                               

III.           PAMAMARAAN

 

1)     Panimulang Gawain

 

a.          Panalangin – ‘Only Selfless Love’ ni Jamie Rivera

b.          Pagbabalik-aral

 

Mula sa ating natalakay na paksa patungkol sa iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ng emosyon, ano ang masasabi nating implikasyon ng mga ito sa pagbuo ng mga kuro-kuro? Ano ang kalakip nito?

 

2)     Paglinang sa Gawain

 

a.      Pagganyak

 

Magpapanood ang guro ng isang video clip mula sa YouTube.

 

https://www.youtube.com/watch?v=RAx3BONsvcE

 

 

 

3)     Pagtatalakay

 

Batay sa Literary Kicks, noon pa lamang panahon ng Heian (700-1100) ay nagkaroon at umusbong na ang panulaang Hapon, dahil ito ay naging kahingiang panlipunan.

 

Dalawa sa mga uri ng tulang umusbong ay ang tanka at haiku.

 

§                                  TANKA

 

-        higit 1300 na taon na ang nakalilipas

-        uri ng maikling tulang mula sa Japan na may padrong 5-7-5-7-7.

-        ito ay binubuo ng limang (5) taludtod.

-        katulad ng ibang uri ng tula, ang tanka ay naglalayong magpahayag ng personal na karanasan ng isang tao—maaaring sa pagpapahayag ng pag-ibig—sa limitadong pamamaraan.

 

                    Halimbawa:                                   Araw na mulat

Sa may gintong palayan

Ngayong taglagas

'Di ko alam kung kailan

Puso ay titigil na.

 

 

§                                          HAIKU

 

-        Ika-17 siglo.

-        isa ring uri ng tula na kinalalakipan naman ng padrong 5-7-5 at may tatlong (3) taludtod.

-        Kalikasan ang madalas na nagiging tema ng naturang tula, nguni’t hindi ito nakakulong lamang sa ganoong usapin; maaari din itong pumatungkol sa pagmamahal sa pamilya, sa relihiyon, sa mga hayop, at sa iba pa.

 

 

 

                     Halimbawa:                              Ngayong taglagas

'Di maipigil pagtanda

Ibong lumipad

 

 

A.                    PAGLALAPAT

 

A.1.

 

Babasa ang guro ng sairling gawang tanka at haiku at dito maririnig ng mga mag-aaral kung paano ang angkop na pagbasa sa mga ito nang may pagkiling sa antala, diin, at tono nito. Ang guro ay magpababasa rin ng mga tanka at haiku na mula sa Internet.

 

 TANKA


 1.   Ika’y nasa puso na 

           At di aalis

                                                               Habang tumitibok pa
                                                            O, ang mahal kong sinta

 

2.     Ako’y gutom na

Para sa pagbabago

Ng ating bayan

Para sa ating bukas

Para sa kabataan

 

 

  HAIKU

 

1.     Bayan kong mahal

Buhay ay ibibigay

Iyan ay tunay

 

2.     Ginhawang Asul

Mataimtim na bukas

Ito’y gusto ko

 

A.2.

o   Bilang mga mag-aaral, bakit mahalagang mapag-aaralan ang mga ganitong uri ng tula?

o   Naniniwala ba kayong sa pagbuo ng ganitong uri ng tula ay maipararating nang matiwasay ang angkop na emosyon ng sumusulat?

 

 

IV.           PAGTATAYA

 

Mula sa mga tula na tinalakay kanina, ang mga mag-aaral ay inaasahang makapaglilista ng sampung (10) salitang nasipi mula sa mga akda, at ibigay ang mga angkop nitong kahulugan. (20 puntos)

 

Rubriks:

Kaangkupan ng Kahulugan sa Salita: 10 puntos

Organisasyon: 5 puntos

Kalinisan: 5 puntos

 

Kabuoan: 20 puntos

 

 

V.    TAKDANG-ARALIN (20 puntos)

 

1.     Gumawa ng tig-isang akdang tanka at haiku at ilagay ito sa isang buong papel.

 

Rubriks:

Kaangkupan ng Kahulugan sa Salita: 10 puntos

Organisasyon: 5 puntos

Kalinisan: 5 puntos

 

Kabuoan: 20 puntos


Comments

Popular posts from this blog

Mga Pagbabagong Morpoponemiko (Grade 11)

Mga Teorya ng Pinagmulan ng Wika (Grade 12)