Mga Teorya ng Pinagmulan ng Wika (Grade 12)
MGA TEORYA NG PINAGMULAN NG WIKA
IKA-12 NA BAITANG
I. LAYUNIN
A. Nakapagsisiyasat nang masusi hinggil sa mga teorya ng pinagmulan ng wika at karampatan nitong kaligiran.
B. Nakibabahagi ng saloobing pumapatungkol sa mga usaping wika at iba pang mga aspekto nito.
C. Nakapagkakabit-kabit ang mga teorya sa natural at ekstended nitong pag-uuri, partikular sa buhay.
D. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa
Mga Teoryang Pang-wika
B. Integrasyon sa iba pang Asignatura: Wika at Panitikan
C. Pagpapahalaga: Ang pagkakaroon ng kaalaman sa basiko at masusing pinagmulan ng wika batay sa mga teorya.
D. Kagamitan
- Whiteboard - Laptop
- Whiteboard marker - Projector
E. Sanggunian
Bernales, R., et al. (2013). Akademikong Filipino para sa Kompetitibong Pilipino. Mutya Publishing House, Inc. p. 19-22. Retrieved from [Accessed 7 December 2020].
II. PAMAMARAAN
1. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagtala ng mga Lumiban
2. Paglinang sa Gawain
a. Pagganyak
Magpapakita ang guro ng mga larawang sipi mula sa Internet. Tutukuyin ng mga mag-aaral kung ano ang mga ito at saan ito nagmula. Ang mga larawan ay pawang may mga koneksyon sa hayop at kalikasan na isa sa mga batayan ng mga teorya.
b. Pagtatalakay
MGA TEORYA NG WIKA
o Ang teorya ay isang siyentipikong pag-aaral ng iba’t ibang paniniwala ng mga bagay-bagay na may batayan pero hanggang ngayon, hindi pa napapatunayan ng lubos.
Mga iba’t ibang mga teorya ng wika
1. Teoryang Bow-wow
Isang teoryang ginagayaang mga tunog na nililikha ng mga hayop gaya ng tahol ng aso, tilaok ng manok, atbp.; at ng mga tunog ng kalikasan kaya ng ihip ng hangin, patak ng ulan, atbp.
2. Teoryang Ding-dong
Itinutukoy nito ang mga sariling tunog ng lahat ng bagay sa kapaligiran tulad ng tsug-tsug ng tren o tik-tak ng orasan.
3. Teoryang Pooh-pooh
Tinutukoy nito sa mga paggamit ng bibig, na kung saan nililikha ang mga tunog na galing sa dala ng emosyon tulad nga saya, lungkot, galit, atbp.
4. Teoryang Ta-ra-ra Boom De Ay
Ang teoryang ito ay nagsasabi na ang wika ng tao ay galing sa mga tunog na nilikha sa mga ritwal na nagbabagu-bago at binigyan ng ibang kahulugan katulat ng pagsayaw, pagtatanim, atbp.
5. Teoryang Sing-song
Isang teorya na kung saan ang mga unang salita ay mahaba at musikal, at hindi maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng marami.
6. Teoryang Biblikal
Ito ay mula sa Biblia sa Genesis 11: 1-8 na nagsasabii na ang buong lupa ay iisang wika at iisang mga salita,
7. Teoryang Yoo He Yo
Ayon kay A.S Diamond, ang tao ay natutong magsalita bunga ng kaniyang puwersang pisikal.
8. Teoryang Ta-ta
Galing sa wikang Pranses, ito ay nangahulugang paalam sapagkat kapag ang isang tao ay nagpapaalam, siya ay kumakampay ang kamay nang pataas o pababa.
9. Teoryang Mama
Tinutukoy ito sa unang sinabil ng sanggol, na dahil hindi niya masabi ang salitang ina o ang Ingles na mother, sinabi niyang mama kapalit sa mother.
10. Teoryang Hey you!
Ayon sa linggwistang si Revesz, nagmula ang wika sa mga tunog na nagbabadya ng pagkakakilanlan (Ako!) at pagkakabilang (Tayo!). Napapabulalas din tayo bilang pagbabadya ng takot, galit o sakit (Saklolo!). Tinatawag din itong teoryang kontak.
11. Teoryang Coo coo
Tinutukoy nito sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol na ginagaya ng mga matatanda bilang pagpapangalan sa mga bagay-bagay sa paligid.
12. Teoryang Babble Lucky
Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga walang kahulugang bulalas ng mga tao na nasuwertehang nakalikha at iniugnay sa mga bagay-bagay sa paligid.
13. Teoryang Hocus Pocus
Ayon kay Boree, ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno.
14. Teoryang Eureka!
Ayon rin kay Boree, ang ating mga ninuno ay may ideya ng pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay. Nang nalika ang mga ideyang iyon, mabilis na iyong kumalat sa iba pang tao at naging kalakaran sa pagpapangalan ng mga bagay- bagay.
III. PAGTATAYA
a. Sa isang papel, sumulat ng isang sanaysay patungkol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng teorya sa pagsuporta sa mga ideya. Paano nito napalalakas ang isang partikular na usapin? (20 puntos)
IV. TAKDANG-ARALIN
1. Pumili ng lima (5) sa mga natalakay na teorya at maghanap (mula man ito sa Internet, artikulo, journal, o magasin) ng tigatlong (3) larawan na aakma at maglalahad ng mga napiling teorya.
Comments
Post a Comment