Ang Salawikain (Grade 8)

 

ANG SALAWIKAIN

IKA-8 NA BAITANG

 

I.                LAYUNIN

 

Sa loob ng isang oras, hindi bababa sa 80% ng mga mag-aaral ang makagagawa ng mga sumusunod na mga layunin na hindi bababa sa 80% na antas ng kahusayan.

 

1.     Nakikilala ang salawikain na ginamit sa napanood na pelikula o programang pantelebisyon. (F8PD-Ia-c-19)

2.     Nakibabahagi sa aktibidad na umiikot sa kahalagahan ng salawikain.

3.     Nakagagawa ng sariling salawikain batay sa sariling karanasan.

 

II.             PAKSANG-ARALIN

 

A.    Paksa

Ang Salawikain

 

B.    Pagpapahalaga: Ang pagtutuon sa paksang salawikain na bahagi ng pagiging mayaman ng panitikan ng bansa ay indikasyon ng pagmamahal sa bansa—sa kultural at sosyal na aspekto nito.

 

C.    Kagamitan

 

-   Laptop                                                                                           

-   Whiteboard

-   YouTube

 

D.    Sanggunian 

 

      Salawikain. (2009). Salawikain - Pinoy Edition. https://www.pinoyedition.com/salawikain/

                                               

III.           PAMAMARAAN

 

1)     Panimulang Gawain

 

a.          Panalangin – ‘You Raise Me Up’ ni Josh Groban

b.          Pagbabalik-aral

 

Mula sa ating natalakay na paksa patungkol sa bugtong, bakit natin masasabing sumasalamin ito sa mayaman at malikhaing kultura ng bansa? Ano ang distinksyon nito sa ibang bansa?

 

2)     Paglinang sa Gawain

 

a.      Pagganyak

 

Magpapanood ang guro ng video clip mula sa YouTube na tungkol sa mga salawikain.

 

https://www.youtube.com/watch?v=PQmr_FIu0MI

 

3)     Pagtatalakay

 

Ang salawikain (proverbs sa Ingles) ay mga kasabihan o kawikaan na nagbibigay o nagpapanuto ng magagandang aral o gabay sa pamumuhay, sa asal, sa pakikipagkapwa.

Ang layunin ng salawikain ay ang pagsasabi ng katotohanang hindi mapasusubalian na naging bahagi na ng ating tradisyong Pilipino na ang karamihan ay mula sa ibang bansa at ang iba nama'y mula pa sa ating mga ninuno na nagpalipat-lipat sa mga labi ng mga salinlahi.

 

Mga halimbawa:

 

§  “Aanhin mo ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago, mabuti pa ang bahay-kubo na ang nakatira ay tao.”

 

§  Ang inyong kakanin, sa iyong pawis manggagaling.”

 

 

§  “Ang lumalakad nang mababaw, kung matinik ay mababaw, ang lumalakad ng matulin, kung matinik ay malalim.”

 

§  “Ako, ikaw, at sinumang nilalang, tayong lahat ay arkitekto ng kapalaran.”

 

 

§  “Ang puri at ang dangal, mahalaga kaysa buhay.”

 

§  “Ang tong walang kibo nasa loob ang kulo.”

 

 

A.    PAGLALAPAT

 

Tutukuyin ng mga mag-aaral kung ang mga sumusunod na mga pahayag ay isang uri ng salawikain.

 

1.     Ang isip ay parang itak, sa hasa tumatalas.

2.     Nagsusunog ng kilay ang bata.

3.     Nagbibilang ng poste si Juan.

4.     Ako, ikaw, at sinumang nilalang, tayong lahat ay arkitekto ng kapalaran.

5.     Ang gawa sa pagkabata, dala hanggang pagtanda.

 

 

IV.           PAGTATAYA (10 puntos)

 

Sa puntong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang may natutuhan na sa salawikain at kaligiran nito. Kung kaya’t ang guro ay magsasawa ng pagtataya upang ito ay maases.

 

Sa isang buong papel, sagutin ang mga susunod na tanong.

 

1.     Ito ay isang simple, konkreto, at tradisyunal na kasabihan na nagpapahayag ng katotohanan na base sa sentido komun o karanasan. Ito ay kadalasang dinadaan sa talinhaga.

 

Punan ang sumusunod na salawikain:

2.     Ang inyong kakanin, sa iyong _____ manggagaling.

3.     Ang tong walang kibo nasa ____ ang kulo.

4.     Ang ____ bago sumikat, nakikita muna’y banaag.

5.     Kung ano ang puno siya ang _____.

6.     _____ mo, tapon mo.

7.     _____ alagaan, ito lang ang tahanan.

8.     Kung anong itinanim, siyang ______.

9.     Ang ibinabait ng bata, sa ______ nagmula.

10.  Ako ang nagbayo, ako ang nagsaing, saka nang maluto’y iba nang ______.

 

V.    TAKDANG-ARALIN (15 puntos)

 

1.     Magsaliksik ng sampung (10) halimbawa ng sawikain at magtala sa sangkapat na papel ng limang (5) nakikitang pagkakaiba nito sa salawikain.

 

 

 

 

 

Comments

Popular posts from this blog

Tanka at Haiku (Grade 9)

Mga Pagbabagong Morpoponemiko (Grade 11)

Mga Teorya ng Pinagmulan ng Wika (Grade 12)