10 Banghay-Aralin

 

(1)

MAIKLING KUWENTO

Ika-9 na Baitang

 

I.                LAYUNIN

 

A.    Naipakikita ang pagkakaiba ng maikling kuwento sa iba pang uri ng tuluyang akda.

B.    Napahahalagahan ang kaligiran ng maikling kuwento at iba pang tuluyang akda na kabilang sa panitikan ng Pilipinas.

C.    Nakasisipi ng ilang bahagi sa partikular na maikling kuwento tungo sa pagkalap ng aral na nakapaloob dito.

 

II.             PAKSANG-ARALIN

 

A.    Paksa

 

Maikling Kuwento: Kasaysayan at Kaligiran

 

B.    Integrasyon sa iba pang Asignatura: Kasaysayan ng Pilipinas

C.    Pagpapahalaga: Pagkiling sa pagkakaroon ng kaalaman tungo sa pagiging maalam sa bumubuo ng panitikan ng Pilipinas.

 

D.    Kagamitan

 

-        Whiteboard                                                           - Projector

-        Whiteboard marker                                              - Aklat

 

E.    Sanggunian

Slideshare.net. 2020. Ang Kasaysayan Ng Maikling Kuwento. [online] Available at: <https://www.slideshare.net/edrianne/presentation1-report-mam-fuentez> [Accessed 7 December 2020].       

 

III.           PAMAMARAAN

 

1.)       Panimulang Gawain

 

a.          Panalangin

b.         Pagbati

c.          Pagtala ng mga Lumiban

d.         Pagbabalik-aral

 

2.)       Paglinang sa Gawain

 

a.      Pagganyak

Pagsasagawa ng icebreaker.

Panuto: Ipapangkat ang mga mag-aaral sa tatlo (3); mula rito pipili ng tig-isang representative na magsusulat sa whiteboard. Ang mga tanong—na binubuo ng sampu (10)—ay inihanda ng guro, at ito ay pumapatungkol sa panitikan, kabilang na ang maikling kuwento. Ang magwawaging pangkat ay makakukuha ng paunang limang puntos para sa gaganaping pagsusulit matapos ang diskusyon.

 

                    3) Pagtatalakay

 

KASAYSAYAN AT PAG-UNLAD NG MAIKLING KUWENTO KASAYSAYAN AT PAG-UNLAD NG MAIKLING KUWENTO

A. Bago Dumating Ang Mga Kastila

Kuwentong bitbit – dito nag-ugat ang maikling kwento, maiikling salaysay na pumapaksa sa mga anito, lamanlupa, malikmata, multo at iba pang mga bunga ng guniguning di kapani-paniwala.

B. Panahon ng Kastila

 • Kakana – sumulpot pagdating ng Espanyol, naglalaman ng mga alamat at engkanto, panlibang sa mga bata • kuwento ay tungkol sa buhay ng mga santo at santa -layunin nila ay mapalaganap ang Kristiyanismo. • Parabula- naglalaman ng mga talinghaga at nagtuturo ng aral. Hal. Ang Mabuting Samaritano

C. Panahong Post Kolonyal (Panahon ng Amerikano)

• Ang maikling kuwentong Tagalog ay naisulat noong mga unang sampung taon ng mga Amerikano. Mga unang anyo nito ay ang dagli at pasingaw. dagli -maikling- maikling salaysay na gayong nangangaral nang lantaran ay namumuna, nagpapasaring at nanunuligsa. Hal: “Sumpain Nawa Ang Mga Ngiping Ginto” ni Cue Malay

Nagsisulat ng dagli sina Valeriano Hernandez Pena, Inigo Ed Regalado, Patricio Mariano, Pascual Poblete atbp. na inilathala sa pahina ng pahayagang “Muling Pagsilang” noong 1903. Yumabong ang uring ito ng salaysay sa tulong pa rin ng pahayagang Democracia, Ang Mithi, Taliba hanggang 1921.

Halimbawa ng dagli ni Salvador R. Barros: "Tungkol sa mga bagay na pumapasok sa pandinig, ang lalaki, babae, at reporter ay may malaking ipinagkakaiba. "Ang pumapasok sa isang tainga ng lalaki ay lumalabas sa kabila. "Ang pumapasok sa dalawang tainga ng babae ay lumalabas sa bibig. "At ang pumapasok sa dalawang tainga ng reporter ay lumalabas sa pahayagan." (Sampagita, 8 Nobyembre 1932)

Pasingaw- patungkol sa mga paralumang hinahangaan, sinusuyo, nililugawan at kung anu-ano pa. Sa mga dahon ng pahayagang Kaliwanagan at Ang Kapatid ng Bayan ito kumita ng liwanag. Madalas na ang mga may-akda nito ay gumagamit o nagtatago sa kanilang mga sagisag panulat.

Napatanyag at namalasak ang pagsulat ng dagli at naging katha at sa bandang huli ay tinawag na maikling katha hanggang 1921. Noong 1910, nagtagumpay ang “Elias” ni Rosauro Almario sa pahayagang Ang Mithi sa bisa ng 14,478 na boto ng mga mambabasa.

Mga Samahang Pampanitikan 1. Ang “Aklatang Bayan” nagsimula ang maikling katha nang hindi pa ganap ang banghay at nakakahon pa ang karakterisasyon. 2. Ang “Ilaw at Panitikan” (popularisasyon) Isinilang ang Liwayway na naging tahanan ng mga akdang Filipino.

3. Parolang Ginto ni Del Mundo- katipunan ng mga pinakamahusay na kuwento sa bawat gawain at sa bawat taon. Pumagitna rin sa larangan ng pamumunang pampanitikan si Alejandro Abadilla sa kanyang Talaang Bughaw. 4. Panitikan- sa panahong ito sinunog ng mga kabataang manunulat ang mga akdang pinalagay na hindi panitikan.

5. “Ilaw ng Bayan” Sa panahong ito ay nangibabaw ang bisa ng mga kabataang manunulat sa panitikan sa Wikang Ingles.

Alejandro G. Abadilla - Father of Modern Filipino Poetry.

1. Ang “Kuwentong Ginto” (1925-1935) 20 “kuwentong ginto” nina Abadilla at Del Mundo 2. Ang “50 Kuwentong Ginto ng 50 Batikang Kuwentista (1939) ni Pedro Reyes. Katipunan ng mga pinakamahusay na katha ni Hernando R. Ocampo at ang mga manunulat sa Ingles na sina NVM Gonzales, Narciso Reyes, Cornelio Reyes at Mariano C. Pascual.

Taong 1920, ang mga kathang Tagalog ay nagkaroon ng banghay at ang karamihan nito ay nalathala sa mga babasahin sa Maynila. Dito unang namayani sina Deogracias A. Rosario, Amado V. Hernandez, Jose Esperanza Cruz, Rafael Olaya, Teofilo Sayco atbp.

Deogracias A. Rosario Ipinanganak noong 17 Oktubre 1894 sa Tondo, Maynila, Amang Maiikling Kwentong Tagalog

• Kapansin-pansin ang pagkagiliw ng mga manunulat sa matamis, mabulaklak at maindayog na pananalita. Karaniwang paksa‟y pag-ibig na inaaglahi, hinahdlangan o pinapagdurusa, hindi makatotohanan ang mga sitwasyon at pangyayari at waring nangungunyapit pa rin sa tradisyon ng romantisismo hanggang sa pagdating ng 1930.

D. Panahon ng Hapon

Pansamantalang napinid ang mga palimbagan sa panahon ng mga Hapones ngunit pagkaraan ng ilang buwan ay muli itong nabuksan. Pinahintulutang makapaglathala ang Liwayway kaya‟t biglang nakapasok ditto ang mga akda na dati ay hindi tinatanggap ng naturang babasahin.

Dahil dito ang mga manunulat na dating nagsusulat sa Ingles ay nangagtangkang magsulat sa Tagalog. • Nagdaos ng timpalak ang Liwayway at pinili ang mga pangunahing kuwento noon na tinipon sa isang aklat. “Ang 25 Pinakamabubuting Maikling Kathang Pilipino ng 1943.

Nanguna sa timpalak ang sumusunod na apat na kuwento.: Pangunahin- “Lupang Tinubuan” Narciso Reyes Pangalawa – “Uhaw Ang Tigang na Lupa” Liwayway A. Arceo Pangatlo- “Nayon at Dagat-dagatan” NVM Gonzales Pang-apat- “Suyuan sa Tubigan” Macario Pineda

• Kabilang sa mga bagong pangalan sina Liwayway A. Arceo, Amado Pangsanghan, Aurora Cruz, sa mga nanguna sa kanila, nakilala sina Teodora Agoncillo, Gemilliano Pineda at Serafin Guinigundo atbp.

Liwayway Arceo

E. Panahon ng Kalayaan

• Ang Gantimpalang Carlos Palanca, isang timpalak pantikan ay nagdulot ng bagong hamon sa mga manunulat sa Ingles at Pilipino. Nagsimula ang patimpalak sa maikling katha noong 1950

• naitatag ang Kapisanang KADIPAN (aklat, diwa at panitikan) na itinatag sa pamamahala nina Ponciano B. Pineda at Tomas Ongoco ng MLQU. • ang Diwa at Panitik (1965) ay nagpalabas ng magasing Sibol na ang nilalaman ay tuntunin sa panitikan, wika at pagtuturo

• Noong Enero 1962, ang magasing Akda ang naging kaakit-akit na babasahing naglalathala ng mga orihinal na akda at salin saTagalog ng mga manunulat sa Ingles • Ang magasing Panitikan ay muling pinalabas ni Alejandro G. Abadilla noong Oktubre, 1964 at tumagal hanggang 1968

• Nagtaguyod ang Pamantasan ng Ateneo ng Urian Lectures na pinamahalaan ni Bienvenido Lumbera. • Ang Gawad Balagtas ay patimpalak ng pamahalaan noong 1969. nilahukan ng katipunan ng sampung akda. Nagwagi si Wilfredo Virtusio ng unang gantimpala sa kanyang “ Si Ambo at Iba Pang Kuwento”.

• Ang huling taon sa dekada 60 ang panahon ng protesta. Ang mga manunulat ay pumaksa sa kaawa- awang kalagayan ng iskuwater, sa mga suliranin ng magbubukid at manggagawa.

F. Panahon ng Bagong Lipunan (Batas Militar)

• Sa kadahilanang halos lahat ng kuwentista sa Pilipinas sa panahong Batas Militar ay kasangkot sa kilusang makabayan, tampok sa kanilang mga akda ang mga suliraning tulad ng paghihikahos ng marami sa pagpapasasa ng iilan, kabulukan sa pagpapatakbo ng pamahalaan, kawalan ng katarungan sa mga limot na mamamamayan at pang- aalipin ng negosyanteng dayuhan at ng sabwatan ng mga burgis. Lantad ang poot sa mga akdang ito.

• Sagisag- isang magasing inilathala ng Kagawaran ng Pabatirang Madla upang magkaroon ng mapaglalathalaan ng mga akdang hindi tinatangkilik ng mga popular na babasahin. Nagtaguyod din ito ng Gawad Sagisag at nakatuklas ng mga bagong manunulat.

• Ang iba’t ibang kuwentong lumabas at naisulat sa panahong ito ay pawing sumasaling sa ugat ng lipunan. • Nakilala sa panahong ito ang mga kuwentistang sina Alfredo Lobo, Mario Libuan, Augosto Sumilang, Lualhati Bautista, Reynaldo Duque, Benigno Juan, Benjamin Pascual, Domingo Landicho, Edgardo Maranan, Wilfredo Ma. Virtusio at Pedro S. Dandan.

• Sa panahong ito, naging palasak ang pagpunta ng mga Pilipino sa bang bansa lalo na sa Estados Unidos, ito ang naging batayan ni Domingo Landicho upang isulat ang kuwentong ”Huwag mong Tangisan Ang Kamatayan ng Isang Pilipino sa Dibdib ng Niyebe” na siyang pinagkalooban ng gantimpalang Palanca noong 1975.

• Samantala, noong 1979-1980, isang simple subalit pinakamakahulugang kuwento ang napili ng Palanca upang gawaran ng gantimpalang pinakamahusay para sa taong iyon ang kuwentong “Kandong” ni Reynaldo Duque.

G. Kasalukuyang Panahon

• Nagpatuloy ang Liwayway sa pagbubukas ng kanilang pinto para sa mga manunulat ng kuwentong ngayon pa lang sumisibol. Maraming kuwentong nailathala ng mga pagbabagong naganap sa bansa pagkaraan ng EDSA Revolution. Ito ang mga kuwentong nagtataglay ng diwa, saloobin, at paniniwala ng mga manunulat sa bagong panahon.

• Nagkaroon ng iba’t ibang pamamaraan ng pagkukwento. Ang mga paksang dati ay hindi naisusulat ay napapansin. Naging matimpi ang pagtalakay ng paksa. Madula ngunit maligoy. Ang mga katangiang iyan ay namalagi hanggang sa kasalukuyan at ito’y tinawag na kontemporaryong maikling kwento.

 

KALIGIRAN NG MAIKLING KUWENTO

 

A. Ang Mga Bahagi ng Maikling Kuwento:

1. Simula- Lubhang mahalaga ang bahaging ito sapagkat dito nakasalalay ang kawilihan ng mambabasa. Kinapapalooban ito ng mga sumusunod: a. pagpapakilala sa tauhan b. pagpapahiwatig ng suliraning kakaharapin ng mga tauhan. c. pagkakintal sa isipan ng mga mambabasa ng damdaming palilitawin sa kuwento. d. paglalarawan ng tagpuan

2. Tunggalian- ang pinagbabatayan ng buhay ng maikling katha dahil ito ang nagbibigay daan sa madudulang tagpo upang lalong maging kawili-wili at kapana-panabik ang mga pangyayari.

3. Kasukdulan- sa bahaging ito unti- unting naaalis ang sagabal, nalulutas ang suliranin, dito natutukoy ang katayuan ng pangunahing tauhan kung siya ay mabibigo o magtatagumpay

4. Wakas- naihahatid ng may-akda ang mensahe sa bahaging ito. sa wakas ng kuwento.

B. Sangkap ng Maikling Kuwento:

 

1. Tagpuan- tumutukoy ito sa pook o lugar na pinangyarihan ng kuwento. Naglalarawan ito ng ginagalawan o kapaligiran ng mga tauhan.

2. Tauhan- ang nagbibigay buhay sa kuwento, makikilala sila sa kanilang panlabas na kaanyuan- pisikal at pananamit, kilos na magpapahiwatig ng kanilang ugali at diyalogo.

3. Banghay- ito ang pagkakasunud- sunod ng mga pangyayari sa kuwento.

 

Bahagi ng Banghay

A. Simula

B. Suliranin

C. Saglit na Kasiglahan

D. Kasukdulan

E. Kakalasan

F. Wakas

 

4. Tema o Paksa- ito ang sentral na ideya sa loob ng kuwento o ang mahalagang pangkaisipan ng akda.

 

IV.           TAKDANG-ARALIN

 

1.     Gamitin ang Internet. Hanapin ang ‘Ang Kabayong Humingi ng Katarungan’.

2.     Mula sa nabasa, magbigay ng mga punto na sa inyong tingin ay nakapaglahad ng kahalagahan at aral. (10 puntos)



                                                                                     (2)

ANG DULA SA PILIPINAS

IKA-11 NA BAITANG

 

I.                LAYUNIN

 

A.    Nakakikilala ng pagkakaiba ng dula sa iba pang uri ng tuluyan, katulad ng nobela.

B.    Nakapakikinig nang masusi at may layunin sa pagtatalakay ng kasaysayan ng dula.

C.    Nakapagdurugtong ng mga ideya mula sa talakayan tungo sa realidad ng lipunan.

 

II.             PAKSANG-ARALIN

 

A.    Paksa

 

Kasaysayan ng Dulaang Filipino

 

B.    Integrasyon sa iba pang Asignatura: Malikhaing Pagsulat

C.    Pagpapahalaga: Pagkakaroon ng prior knowledge sa paksa at pagbuklat sa ugat ng pagkakalikha ng naturang sining na tumatalakay sa iba’t ibang uri ng pamumuhay ng mga Pilipino.

 

D.    Kagamitan

 

-        Whiteboard                                                           - Projector

-        Whiteboard marker                                              Videos mula sa YouTube

 

E.    Sanggunian

Staff, H., 2020. Kasaysayan Dula Sa Pilipinas — HUMSS. [online] HUMSS. Available at: <https://www.humss.net/kasaysayan-dula-sa-pilipinas/> [Accessed 7 December 2020].

 

III.           PAMAMARAAN

 

1.     Panimulang Gawain

 

a.      Panalangin

b.     Pagbati

c.      Pagtala ng mga Lumiban

d.     Pagbabalik-aral

 

2.     Paglinang sa Gawain

 

a.      Pagganyak

Magpapanood ang guro ng mga bahagi ng mga partikular na teleserye na naipalabas sa telebisyon. Magkakaroon ng ideya ang mga estudyante sa kung saan patungkol sa dula at ano ang koneksyon nito sa entertainment. Sa ganitong paraan, magkakaroon ng paunang kaalaman ang mga mag-aaral habang nasisiguro ang kasiyahan sa loob ng silid.

 

                    3) Pagtatalakay

 

Sa An Essay on Philippine Theater, ipinaliwanag ni Nicanor G. Tiongson (kilalang iskolar ng pelikula at drama sa Pilipinas) na ang mga dramatikong anyong umusbong at patuloy na umiiral sa iba’t ibang grupo sa kapuluan ay ang: (1) katutubong dula, pangunahing may katangiang Malay, tulad ng mga nakikita sa mga rituwal at mimetikong sayaw; (2) mga dulang may impluwensiyang Espanyol, tulad ng komedya, senakulo, zarzuela, maiikling dula, at drama; (3) dulang dinala sa Pilipinas ng mga Amerikano, tulad ng bodabil at mga dula sa Ingles; at (4) mga orihinal na dulang itinanghal ng mga Pilipino.

 

1. Katutubong Dula

Sa kasalukuyan, isinasagawa o itinatanghal pa rin ng mga katutubong pangkat sa Pilipinas ang kanilang mga kinagawtan at ritwa] sa mahahalagang bahagi ng kanilang buhay tulad ng kapanganakan, binyag, pagtutuli, unang regla, panliligaw, kasal, sakit, at kamatayan. Itinatanghal din ang mga ito sa ritwal na may kinalaman sa mga gawain tulad ng pagtatanim at pag-aani ng palay, pangingisda, at pangangaso.

 

Mahalagang Ideya

Naipahahayag sa dula ang mga pannivvala ng mga katutubo at nagdudulot ito ng pagkakaisa sa komunidad para sa ikabubuti ng lahat.

 

Katulad ng mga ritwal, may mimetikong katangian din ang inaraming katutubong sayaw kaya maituturing ang mga itong sinaunang anyo ng drama. Karaniwang itinatanghal ang mga sayaw na ito sa pantiligaw, kasal, paktkidigma, kapanganakan, at maging kamatayan. Ayon kay Femandez (2004), bagaman inilarawan at itinala ng mga Espanyol ang mga katutubong anyo ng dula, hindt ntla ito itinuring na dula dahil hindi gurnamit ang mga katutubo ng entablado, kostyurn, props, iskrip, at mga kurnbensiyon ng dulang Espanyol.

Mapapansing may matalik na ugnayan ang katutubong dula at pamumuhay ng ating mga ninuno. Naipahahayag sa mga pagtatanghal ang kanilang raga paniniwala at makikita sa mga ito ang kanilang materya1 na kultura at gawi. Makabuluhan para sa kanila ang mga pagtatanghal dahil pinagbubuktod nito ang mga tao sa komuntdad para sa ikabuhuti ng lahat (Tiongson, 1989).

Ayon kay Fernandez (2004), ang mga mirnetikong ritwal at sayaw ay purong anyo ng drarnang pangkomunidad. Wala ritong tila “pader” na naghahati sa mga nagtatanghal at sa manonood sapagkat ang mga nasa awdyens ay bahagi ng ritwal, at dahil dito ay maituturing din silang tagapagtanghal. Flindi na kailangan pang ipaliwanag sa mga manonood ang pagtatanghal dahil may pinagsasaluhang karanasan ang lahat ng kasapi ng kornunidad.

 

2. Dulang May Impluwensiyang Espanyol

Sa mahigit na 300 taong pananakop ng mga Espanyol sa ating lupain, nakita ng mga inananakop ang kapangyarihan ng teatro bilang kasangkapan sa pagpapayakap ng Kristiyantsmo sa mga katutubo at sa panghihikayat sa kanila na iwan ang kabundukan at manirahan sa ingaptteblo o mga bayang tinatag ng mga mananakop. Dahil dito, umusbong at naging popular sa mga PiIipino ang mga retthiyosong dula (itinatanghal upang ipagdiwang at kilalanin ang mahahalagang araw ng mga Katoliko tulad ng Pasko, kuwaresma, o pista ng pagkabuhay) at sekular na dula (karaniwang itinatanghal sa mga pista ng bayan).

Isa sa mga anyo dulang ipinakilala ng mga Espanyol ay ang komedya (kilala rin bilang moro-moro at linamhay). Ito ay patulang dula na tumatagal ng 3-15 oras at maaaring itanghal sa magkakaln na sesiyon. Ang mga relihiyosong komedya ay karaniwang tungkol sa buhay ng mga santo, samantalang ang mga sekular na komedya ay karaniwang umiinog sa mga kuwento ng pag-ibig o paghihiganti.

 

Sa mga relihiyosong dula sa Pilipinas, umangat ang senakulo na kilala rin sa tawag na pasion y muerte (pasyon at kamatayan), tanggal, at centurion. Nagsimula ito bilang pagsasadula ng buhay at paghihirap ni Hesu Kristo na ng Iumaon ay nadagdagan ng mga kuwentong apokripo o mga kuwento mula sa mga aklat na hindi kanoniko at hindi tiyak ang pinagmulan.

Ipinakilala naman ng mga Espanyol ang sarsuwela o zarzuela noong huling bahagi ng dekada 1870 at naging popular mula dekada 1900 hanggang 1940 sa Maynila at iba pang bahagi ng Pilipinas. Karaniwan itong binubuo ng mga diyalogo, sayaw, at awit na madalas ay tungkol sa romantikong pag-iibigan ng mayayaman at nakatutuwang pag-iibigan ng mga alalay o kasambahay. May ilan ding pumupuna sa mga bisyo at kahinaan ng tao o Iipunan (buktot na politiko, mapang-aping panginoong maylupa, batugan, asawang lasenggo, at iba pa) sa paraang mapagpatawa.

 

Isang mahalagang pag-unlad sa teatro ang pag-iral ng sarsuwela dahil pinasimulan nito ang mas realistikong representasyon ng buhay at kulturang Pilipino. Hindi laraang magagarbong set at kostyu.m ang itinatanghal dito, kundi maging mga karaniwang tauhang Pilipino, pananalita, at sitwasyon. Nagsisilbi rin ang sarsuwela bilang kasangkapan sa pagmamatyag; karaniwan dito ang pagpuna sa mga miyembro ng lipunang may hindi kaaya-ayang asal at gawi.

 

Mahalagang Ideya

Kung ihahambing sa komedya at senakulo, mas makatotohanan o realistiko ang representasyon ng kultura at buhay ng mga Pilipino sa sarsuwela.

Kung pag-uusapan naman ang kahinaan ng mga dulang ito, masasabing napahihina ito ng mga simplistang paraan ng pagreresolba ng mga suliranin. Ito ay dahi I gumagamit dito ng tadhana, mga aksidente, o deus ev machina (pangyayaring hindi inaasahan at nagliligtas sa isang sitwasyong pag-asa; hindi sumusunod sa lohika ng sanhi at bunga) upang masolusyonan ang problema at madulutan ng masayang pagtatapos ang lahat.

 

Sa mga Tagalog, nakilala ang mga sarsuwela ng mga manunulat na sina Severino Reyes, Hermogenes Ilagan, at Julian Cniz Balmaseda, at mga kompositor na sina Fulgencio Tolentino at Juan S. Hemandez. Sa Cebui nakilala naman ang mga sarsuwela nina Vicente Sotto at Buenaventura Rodriguez; sa Pampanga, ng Inga katulad nina Juan Crisostomo Soto at Aurelio V. Tolentino; sa Bieol. nina Asiselo Jimenez at Jose Figueroa; sa lloilo, ng mga katulad nina Valente Cristobal at Jimeno Damaso; sa llocos, nina Mena Pecson Crisologo at Leon Pichay; at sa Pangasinan, nina Catalino Palisoc at Pablo Mejia.

 

3. Dulang May Impluwensiyang Amerikano

Malaki ang naging impluwensiya ng kolonisasyong Amerikano sa anyo at pilosopiya ng teatro sa Pilipinas noong dantaon 20. Makikita ito sa bodabil (mula sa vaudeville) o Kanluraning dula na itinatanghal sa Ingles o sa Filipino kung ito ay salin o adaptasyon. Ang anyong ito na idinala ng mga Amerikano sa Pilipinas noong dekada 1920 ay pagtatanghal ng mga awit, sayaw, at nakatatawang iskit na nagtatampok ng kung ano ang popular sa Estado s Unidos. Hindi gaanong ipinapakita sa bodabil at mga Kanluraning dulang itinanghal sa Pilipinas ang buhay at kultura ng mga Pilipino.

Ginagaya lamang ng mga Pilipinong tagapagtanghal ang mga Ametikano kaya naman nahihirapan sila sa paggaya sa pananalita at pag-awit ng mga dayuhan. Nariyang gayahin din nila ang kilos sa pagsasayaw ni Fred Astaire—kilalang Amerikanong mananayaw, mang-aawit, at aktor—at iba pang sikat na personalidad sa Hollywood. Sa mga Kanlurang dula na itinatanghal sa Ingles, ginagaya ng mga Pilipino ang aksent (diin o punto sa pagbigkas) ni Laurence Olivier, respetadong aktor sa Britanya, upang maging mas kapani-paniwala bilang Macbeth o iba pang tauhan sa mga dula ni William Shakespeare.

Sa pamamagitan ng bodabil, naipakilala sa mga Pilipino ang buhay-Amerika sa pamamagitan ng mga popular na awit, sayaw, nakatatawang iskit, at iba pang magarbong produksiyon. Ang mga higit na nakaririwasa naman ay nagpupunta sa mga teatro upang magkaroon ng ugnayan sa mga tauhan sa mga dula ni Tennessee Williams (Amerikanong mandudula at may likha ng mga klasikong The Glass Menagerie, A Streetcar Named Desire, at Cat on a hot Tin Roof).

Bagaman ang pag-usbong ng bodabil at mga Kanluraning dula sa Pilipinas ang nagpadali sa Amerikanisasyon ng mga Pilipino, masasabing may kabutihan ding naidulot ito. Isa na rito ang pagpasok ng mga modemong teorya at estilo na nagbigay ng inspirasyon sa mga mandudula na palalimin at palawakin ang saklaw ng dula (Tiongson, 1989). Dahil dito, nabigyan ng pagkakataon ang mga mandudula, direktor, aktor, tagapangasiwa ng entablado, costume designer, at iba pa na mag-eksperimento upang maiangat ang kalidad ng dula sa Pilipinas at higit na mailapit ito sa rnas malaking populasyon.

 

4. Mga Orihinal na Dulang Pilipino

Sa kasalukuyan, marami sa mga orihinal na duiang Pilipino ay produkto rig mga paligsahan sa panitikan o sa mga palihan sa malikhaing pagsulat. Nariyan ang Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, Virgin Labfest, at mga pambansang palihang inoorganisa ng mga pamantasan tulad ng University of the Philippines, De La Salle University, University of Santo Tomas, Ateneo de Manila University, Mindanao State Universit-y – Iligan Institute of Technology (MSU-IIT), at Silliman University.

 

Lumilikha at nagtatanghal din ng mga orihinal na dula ang mga organisasyong tulad ng Philippine Educational Theater Association (PETA), Repertory Philippines, Sipat Lawin Ensemble, Atlantis Productions, Triumphant People’s Evangelistic Theatre Society (Trumpets), at Tanghalang Pilipino. Hindi pa kasama rito ang mga pangkat ng mandudula sa mga komunidad sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Nariyan din ang mga organisasyong nakabase sa mga pamantasan tulad ng Dulaang UP, Teatro Tomasino, Tanghalang Ateneo, Sining Kambayoka ng MSU Marawi, at Integrated Performing Arts Guild ng MSU-IIT.

 

Mahalagang Ideya

Higit na umangat ang realismo (indibidwal at panlipunan) sa kontemporaneong dula sa Pilipinas.

Sa kabuuan, umangat angrealismo sa kontemporaneong dula sa. Pilipinas. May dalawang sanga ang kilusang ito— (1) ang tendensyang sikolohikal na nakatuon sa mga problema ng mga indibidwal at (2) ang tendensiyang panlipunan na inilulugar ang problema ng indibidwal sa mas malawak na konteksto ng lipunan. Ibig sabihin, ang problema ng indibidwal ay dulot ng mga puwersa sa lipunan na kailangan niyang harapin.

 

 

IV.           TAKDANG-ARALIN

 

1.     Maghanap ng iba pang uri ng dulang itinanghal sa entabladong Pilipino.

2.     Mula sa natalakay, bumuo ng isang replektibong papel na umiikot sa kahalagan ng dula, bilang isang uri ng panitikan, sa kontemporaryong pamumuhay ng mga Pilipino. (20 puntos)




                                                                                (3)

TULA BILANG PANITIKAN

IKA-8 NA BAITANG

 

I.           LAYUNIN

 

1.      Naihahambing ang sariling saloobin at damdamin sa saloobin at damdamin ng nagsasalita.

2.      Nabibigkas nang wasto at may damdamin ang tula.

3.      Nagagamit ang mga angkop na salita sa pagbuo ng orihinal na tula.

 

 

II.         PAKSANG ARALIN

A.    Paksa

 

Tula bilang Panitikan

Pagsusuri sa ‘Pag-ibig sa Tinubuang Lupa’ ni Andres Bonifacio

 

B.    Integrasyon sa iba pang Asignatura: Wika at Panitikan

C.    Pagpapahalaga: Ang pagtatalakay sa kaligiran ng tula ang bubuo sa pundasyon ng pagkakaunawa sa sining ng kasaysayan at kayamanan ng kultura’t tradisyon.

 

D.    Kagamitan

 

-        PowerPoint presentation

-        Laptop

-        Projector Screen

-        Yeso

-        Pisara

 

E.    Sanggunian

Estoque, E. (2014, November 12). Grade 8 Filipino Module. Retrieved December 7, 2020, from https://www.slideshare.net/earnice18/grade-8-filipino-module.

 

Allschoolassignments.blogspot.com. 2020. Pag-Ibig Sa Tinubuang Lupa Ni Andres Bonifacio. [online] Available at: <https://allschoolassignments.blogspot.com/2008/11/pag-ibig-sa-tinubuang-lupa-ni-andres.html> [Accessed 7 December 2020].

 

III.            PAMAMARAAN

 

1.     Panimulang Gawain

 

a.      Panalangin

b.     Pagbati

c.      Pagtala ng mga Lumiban

 

2.     Paglinang sa Gawain

 

a.      Pagganyak

 

Panuto: Papangkatin ang klase sa tatlong grupo at bibigyan ang bawat grupo ng jumbled letters at pabubuoin ang bawat grupo ng salita sa mga gulo-gulong letra.

 

b.     Pagtatalakay sa Aralin

 


Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

ni Andres Bonifacio

 

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya

sa pagka-dalisay at pagka-dakila

gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?

Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

 

Ulit-ulitin mang basahin ng isip

at isa-isahing talastasing pilit

ang salita’t buhay na limbag at titik

ng isang katauhan ito’y namamasid.

 

Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal

sa tapat na puso ng sino’t alinman,

imbit taong gubat, maralita’t mangmang

 

 

 

nagiging dakila at iginagalang.

 

Pagpuring lubos ang nagiging hangad

sa bayan ng taong may dangal na ingat,

umawit, tumula, kumatha’t sumulat,

kalakhan din nila’y isinisiwalat.

 

Walang mahalagang hindi inihandog

ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop,

dugo, yaman, dunong, tiisa’t pagod,

buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.

 

Bakit? Ano itong sakdal nang laki

na hinahandugan ng buong pag kasi

na sa lalong mahal kapangyayari

at ginugugulan ng buhay na iwi.

 

Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan,

siya’y ina’t tangi na kinamulatan

ng kawili-wiling liwanag ng araw

na nagbibigay init sa lunong katawan.

 

Sa kanya’y utang ang unang pagtanggol

ng simoy ng hanging nagbigay lunas,

sa inis na puso na sisinghap-singhap,

sa balong malalim ng siphayo’t hirap.

 

Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan

ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal

mula sa masaya’t gasong kasanggulan.

hanggang sa katawan ay mapasa-libingan.

 

Ang na nga kapanahon ng aliw,

ang inaasahang araw na darating

ng pagka-timawa ng mga alipin,

liban pa ba sa bayan tatanghalin?

 

At ang balang kahoy at ang balang sanga

na parang niya’t gubat na kaaya-aya

sukat ang makita’t sasa-ala-ala

ang ina’t ang giliw lampas sa saya.

 

Tubig niyang malinaw sa anak’y bulog

bukal sa batisang nagkalat sa bundok

malambot na huni ng matuling agos

na nakaa-aliw sa pusong may lungkot.

 

Sa kaba ng abang mawalay sa Bayan!

gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay

walang ala-ala’t inaasam-asam

kundi ang makita’ng lupang tinubuan.

 

Pati na’ng magdusa’t sampung kamatayan

waring masarap kung dahil sa Bayan

at lalong maghirap, O! himalang bagay,

lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay.

 

Kung ang bayang ito’y nasa panganib

at siya ay dapat na ipagtangkilik

ang anak, asawa, magulang, kapatid

isang tawag niya’y tatalikdang pilit.

 

Datapwa kung bayan ng ka-Tagalogan

ay nilalapastangan at niyuyurakan

katwiran, puri niya’t kamahalan

ng sama ng lilong ibang bayan.

 

Di gaano kaya ang paghinagpis

ng pusong Tagalog sa puring nalait

at aling kaluoban na lalong tahimik

ang di pupukawin sa paghihimagsik?

 

Saan magbubuhat ang paghihinay

sa paghihiganti’t gumugol ng buhay

kung wala ring ibang kasasadlakan

kundi ang lugami sa ka-alipinan?

 

Kung ang pagka-baon niya’t pagka-busabos

sa lusak ng daya’t tunay na pag-ayop

supil ng pang-hampas tanikalang gapos

at luha na lamang ang pinaa-agos

 

Sa kanyang anyo’y sino ang tutunghay

na di-aakayin sa gawang magdamdam

pusong naglilipak sa pagka-sukaban

na hindi gumagalang dugo at buhay.

 

Mangyari kayang ito’y masulyap

ng mga Tagalog at hindi lumingap

sa naghihingalong Inang nasa yapak

ng kasuklam-suklam na Castilang hamak.

 

Nasaan ang dangal ng mga Tagalog,

nasaan ang dugong dapat na ibuhos?

bayan ay inaapi, bakit di kumikilos?

at natitilihang ito’y mapanuod.

 

Hayo na nga kayo, kayong ngang buhay

sa pag-asang lubos na kaginhawahan

at walang tinamo kundi kapaitan,

kaya nga’t ibigin ang naaabang bayan.

 

Kayong antayan na sa kapapasakit

ng dakilang hangad sa batis ng dibdib

muling pabalungit tunay na pag-ibig

kusang ibulalas sa bayang piniit.

 

Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak

kahoy niyaring buhay na nilant sukat

ng bala-balakit makapal na hirap

muling manariwa’t sa baya’y lumiyag.

 

Kayong mga pusong kusang (pugal)

ng dagat at bagsik ng ganid na asal,

ngayon magbangon’t baya’y itanghal

agawin sa kuko ng mga sukaban.

 

Kayong mga dukhang walang tanging (lasap)

kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap,

ampunin ang bayan kung nasa ay lunas

sapagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.

 

Ipaghandog-handog ang buong pag-ibig

hanggang sa mga dugo’y ubusang itigis

kung sa pagtatanggol, buhay ay (mailit)

ito’y kapalaran at tunay na langit.


 

IV.            PAGTATAYA

 

1.      Ayon sa napag-aralan, magbigay ng sariling pagpapakahulugan sa tula. (10 puntos)

2.      Ano ang pandamdaming tugon sa tula ni Bonifacio na ‘Pag-ibig sa Tinubuang Lupa’?

 

V.              TAKDANG-ARALIN

 

1.      Gamitin ang Internet. Maghanap ng tula o akdang may kinalaman sa pagmamahal sa bayan.




(4)

MGA TEORYA NG PINAGMULAN NG WIKA

 

IKA-12 NA BAITANG

 

 

I.                LAYUNIN

 

A.    Nakapagsisiyasat nang masusi hinggil sa mga teorya ng pinagmulan ng wika at karampatan nitong kaligiran.

B.    Nakibabahagi ng saloobing pumapatungkol sa mga usaping wika at iba pang mga aspekto nito.

C.    Nakapagkakabit-kabit ang mga teorya sa natural at ekstended nitong pag-uuri, partikular sa buhay.

 

D.    PAKSANG-ARALIN

 

A.    Paksa

 

Mga Teoryang Pang-wika

 

B.    Integrasyon sa iba pang Asignatura: Wika at Panitikan

C.    Pagpapahalaga: Ang pagkakaroon ng kaalaman sa basiko at masusing pinagmulan ng wika batay sa mga teorya.

 

D.    Kagamitan

 

-        Whiteboard                                                           - Laptop

-        Whiteboard marker                                              - Projector

 

E.    Sanggunian

Bernales, R., et al. (2013). Akademikong Filipino para sa Kompetitibong Pilipino. Mutya Publishing House, Inc. p. 19-22. Retrieved from [Accessed 7 December 2020].

 

II.             PAMAMARAAN

 

1.     Panimulang Gawain

 

a.      Panalangin

b.     Pagbati

c.      Pagtala ng mga Lumiban

2.     Paglinang sa Gawain

 

a.      Pagganyak

 

Magpapakita ang guro ng mga larawang sipi mula sa Internet. Tutukuyin ng mga mag-aaral kung ano ang mga ito at saan ito nagmula. Ang mga larawan ay pawang may mga koneksyon sa hayop at kalikasan na isa sa mga batayan ng mga teorya.

 

b.     Pagtatalakay

 

MGA TEORYA NG WIKA

 

o   Ang teorya ay isang siyentipikong pag-aaral ng iba’t ibang paniniwala ng mga bagay-bagay na may batayan pero hanggang ngayon, hindi pa napapatunayan ng lubos.

 

Mga iba’t ibang mga teorya ng wika

 

1. Teoryang Bow-wow

 

Isang teoryang ginagayaang mga tunog na nililikha ng mga hayop gaya ng tahol ng aso, tilaok ng manok, atbp.; at ng mga tunog ng kalikasan kaya ng ihip ng hangin, patak ng ulan, atbp.

 

2. Teoryang Ding-dong

 

Itinutukoy nito ang mga sariling tunog ng lahat ng bagay sa kapaligiran tulad ng tsug-tsug ng tren o tik-tak ng orasan.

3. Teoryang Pooh-pooh

 

Tinutukoy nito sa mga paggamit ng bibig, na kung saan nililikha ang mga tunog na galing sa dala ng emosyon tulad nga saya, lungkot, galit, atbp.

 

4. Teoryang Ta-ra-ra Boom De Ay

 

Ang teoryang ito ay nagsasabi na ang wika ng tao ay galing sa mga tunog na nilikha sa mga ritwal na nagbabagu-bago at binigyan ng ibang kahulugan katulat ng pagsayaw, pagtatanim, atbp.

 

5. Teoryang Sing-song

 

Isang teorya na kung saan ang mga unang salita ay mahaba at musikal, at hindi maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng marami.

 

6. Teoryang Biblikal

 

Ito ay mula sa Biblia sa Genesis 11: 1-8 na nagsasabii na ang buong lupa ay iisang wika at iisang mga salita,

 

7. Teoryang Yoo He Yo

 

Ayon kay A.S Diamond, ang tao ay natutong magsalita bunga ng kaniyang puwersang pisikal.

 

8. Teoryang Ta-ta

 

Galing sa wikang Pranses, ito ay nangahulugang paalam sapagkat kapag ang isang tao ay nagpapaalam, siya ay kumakampay ang kamay nang pataas o pababa.

 

9. Teoryang Mama

 

Tinutukoy ito sa unang sinabil ng sanggol, na dahil hindi niya masabi ang salitang ina o ang Ingles na mother, sinabi niyang mama kapalit sa mother.

 

 

 

 

 

10. Teoryang Hey you!

 

Ayon sa linggwistang si Revesz, nagmula ang wika sa mga tunog na nagbabadya ng pagkakakilanlan (Ako!) at pagkakabilang (Tayo!). Napapabulalas din tayo bilang pagbabadya ng takot, galit o sakit (Saklolo!). Tinatawag din itong teoryang kontak.

 

11. Teoryang Coo coo

 

Tinutukoy nito sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol na ginagaya ng mga matatanda bilang pagpapangalan sa mga bagay-bagay sa paligid.

 

12. Teoryang Babble Lucky

 

Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga walang kahulugang bulalas ng mga tao na nasuwertehang nakalikha at iniugnay sa mga bagay-bagay sa paligid.

 

13. Teoryang Hocus Pocus

 

Ayon kay Boree, ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno.

 

14. Teoryang Eureka!

 

Ayon rin kay Boree, ang ating mga ninuno ay may ideya ng pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay. Nang nalika ang mga ideyang iyon, mabilis na iyong kumalat sa iba pang tao at naging kalakaran sa pagpapangalan ng mga bagay- bagay.

 

III.           PAGTATAYA

 

a.      Sa isang papel, sumulat ng isang sanaysay patungkol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng teorya sa pagsuporta sa mga ideya. Paano nito napalalakas ang isang partikular na usapin? (20 puntos)

 

IV.           TAKDANG-ARALIN

 

1.     Pumili ng lima (5) sa mga natalakay na teorya at maghanap (mula man ito sa Internet, artikulo, journal, o magasin) ng tigatlong (3) larawan na aakma at maglalahad ng mga napiling teorya.



(5)

MGA PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO

 

IKA-11 NA BAITANG

 

 

I.                LAYUNIN

 

A.    Nailalarawan at naihahambing ang Asimilasyon, Pagpapalit ng Ponema, Metatesis, Pagkakaltas ng Ponema, Paglilipat-diin, at Reduplikasyon.

B.    Napahahalagahan ang kaligiran ng morpoponemiko sa pang-araw-araw na komunikasyon.

C.    Nakagagamit nang mahusay ng mga pagbabagong morpoponemiko sa pakikipagtalastasan.

 

 

II.             PAKSANG-ARALIN

 

A.    Paksa

 

Mga Pagbabagong Morpoponemiko

 

B.    Integrasyon sa iba pang Asignatura: Lingguwistika

C.    Pagpapahalaga: Ang pagtutuon sa kayamanan ng wikang Filipino na nakakiling sa pagbabago ng anyo para sa ikadadali at ikauunlad ng komunikasyon—pasalita at pasulat.

 

D.    Kagamitan

 

-        Whiteboard                                                           - Laptop

-        Whiteboard marker                                              - Projector

 

E.    Sanggunian

Bernales, R., et al. (2013). Akademikong Filipino para sa Kompetitibong Pilipino. Mutya Publishing House, Inc. p. 90-94. Retrieved from [Accessed 8 December 2020].

 

III.           PAMAMARAAN

 

1.     Panimulang Gawain

 

a.      Panalangin

b.     Pagbati

c.      Pagtala ng mga Lumiban

 

2.     Paglinang sa Gawain

 

a.      Pagganyak

 

Guro: Mga mag-aaral, bago tayo tumungo sa ating talakayan nais ko lamang malaman kung paano kayo makipag-usap sa wikang Filipino. Sa pagsasawa nito, nais kong tumayo ang lahat pumili ng isa o dalawang kamag-aral at bumuo ng talastasan mula sa mga isusulat kong mga salita sa whiteboard.

 

Mga salita:

Pamalo                                                                                   Marunong     

Pambansa                                                                               Takpan

Basahin                                                                                  Mandaragit

 

Guro: Ngayong natapos na ang pag-uusap ninyo, karaniwan lamang ang wala kayong mapapansin mula sa mga ito, dahil ito ang ordinaryong daloy ng komunikasyon gamit ang mga salitang inyong binanggit. Nguni’t ano nga ba ang mga nakapaloob sa mga salitang ito?       

 

b.     Pagtatalakay

 

Asimilasyon – Sakop ng uring ito ang mga pagbabagong nagaganap sa /n/ sa posisyong pinal dahil sa impluwensiya ng ponemang kasunod nito.

 

May dalawang uri ng asimilasyon:

a)     Asimilasyong parsyal – karaniwang pagbabagong nagaganap sa ponemang /n/ at nagiging /n/ o /m/.

 

Mga halimbawa:

[pang-] + paaralan à pampaaralan

[pang-] + bayan à pambayan

b)     Asimilasyong ganap – bukod sa pagbabagong nagaganap sa ponemang /n/ ayon sa punto ng artikulasyon ng kasunod sa tunog, nawawala pa rin ang unang ponema ng nilalapiang salita dahil ito ay inaasimila o napapaloob na sa sinusundang ponema.

 

Mga halimbawa:

[pang-] + palo à pampalo à pamalo

[pang-] + tali à pantali à panali

 

 

Pagpapalit ng Ponema – May mga ponemang nagbabago o napapalitan sa pagbubuo ng mga salita. Kung minsan, ang ganitong pagbabago ay nasasabayan ng pagpapalit ng diin.

 

o   /d/ à /r/

Mga halimbawa:

 

ma- + dapat à marapat

ma- + dunong à marunong

 

o   /h/ à /n/

Halimbawa:

 

/tawah/ + -an à /tawahan/ à tawanan

 

o   /o/ à /u/

Mga halimbawa:

 

dugo + an à duguan

mabango à mabangung-mabango

 

Metatesis – Kapag ang salitang-ugat na nagsisimula sa /l/ o /y/ ay nilalagyan ng gitlaping -in-, ang /i/ at /n/ ay nagkakapalitan ng pusisyon.

 

Mga halimbawa:

 

-in- + lipad à nilipad

-in- + yaya à niyaya

 

 

Pagkakaltas ng Ponema – Nagaganap ang pagbabagong ito kung ang huling ponemang patinig ng salitang-ugat ay nawawala sa paghuhulapi nito.

 

Mga halimbawa:

 

takip + -an à takipan à takpan

kitil + -in à kitilin à kitlin

 

 

Paglilipat-diin – May mga salitang nagbabago ng diin kapag nilalapian. Maaaring malipat ng isa o dalawang-pantig ang diin patungong huling pantig o maaaring malipat ng pantig patungong unahan ng salita.

 

Mga halimbawa:

 

basa + -hin à basahin

ka + sama + -han à kasamahan

laro + -an à laruan (lugar)

 

Reduplikasyon – Pag-uulit ito ng pantig ng salita. Ang pag-uulit na ito ay maaaring magpahiwatig ng kilos na ginagawa o gagawin pa lamang, tagagawa ng kilos o pagpaparami.

Mga halimbawa:

 

a)     mang- + dagit à Mandagit (Asimilasyong Parsyalà Mandadagit (Reduplikasyonà mandaragit (Pagpapalit ng Ponema)

 

b)     sang- + -in- + sukob + -an à sansinukoban (Asimilasyong Parsyalà sansinukuban (Pagpapalit ng Ponema)

 

 

IV.           PAGTATAYA

 

a.      Kumuha ng isang buong papel. Magsulat ng tigatlong halimbawa ng Pagpapalit ng Ponema.

 

a.1. Ilapat ito sa sitwasyong sinasangkutan ng araw-araw na gawain. (10 puntos)

 

V.              TAKDANG-ARALIN

 

1)     Mula sa natalakay na paksa, mag-interview ng dalawang miyembro ng pamilya ng kahit anong paksa. Mula rito, pansinin ang mga salitang may pagbabagong morpoponemiko, at itala ang mga ito. (50 puntos)




                                                                        (6)


Google Drive hyperlink: Google Drive link to Denotasyon at Konotasyon (Grade 9)



                                                                        

(7)
PARABULA NG ALIBUGHANG ANAK

IKA-7 NA BAITANG

 

I.           LAYUNIN

 

1.      Nakakikilala ng pagkakaiba ng parabula sa iba pang tuluyang panitikan o prosa.

2.      Nabibigkas nang wasto at may damdamin ang Parabula ng Alibughang Anak.

3.      Nakabubuo ng mga kuro-kuro hinggil sa isyung kinalalakipan ng akda.

 

II.         PAKSANG ARALIN

A.       Paksa

 

 Parabula ng Alibughang Anak

 

B.    Integrasyon sa iba pang Asignatura: Panitikan

C.    Pagpapahalaga: Ang pagtatalakay sa kaligiran at katuturan ng parabula, bilang isang uri ng tuluyang panitikan, ay kumikiling sa pagkakaroon ng mga kaugalian at kabutihang loob na makukuha mula sa moral ng kuwento.

 

 

 

D.    Kagamitan

 

-        PowerPoint presentation

-        Laptop

-        Projector Screen

-        Yeso

-        Pisara

 

E.    Sanggunian

W. (2017, November 7). Ang Alibughang Anak. Wikakids. https://www.wikakids.com/filipino/parabula/ang-alibughang-anak/

 

III.            PAMAMARAAN

 

1.     Panimulang Gawain

 

a.      Panalangin

b.     Pagbati

c.      Pagtala ng mga Lumiban

 

 

 

2.     Paglinang sa Gawain

 

a.      Pagganyak

Ang guro ay magpapanood ng video mula sa YouTube:

 

https://www.youtube.com/watch?v=BiXh9RncUKg

 

b.     Pagtatalakay sa Aralin

 





“ANG ALIBUGHANG ANAK”

 

May isang mayamang ama na may dalawang anak na kapwa lalaki. Hiniling ng bunsong anak na ang manang kanya sa kayamanan ng kanyang ama ay ibigay na sa kanya. Nang makuha na ng bunso ang kanyang mana ay ipinagbili niya agad ito makalipas lamang ang ilang araw. Matapos ito ay umalis siya at nagtungo sa malayong bayan. Dito niya walang habas na nilustay ang kabuhayang ipinagkaloob ng ama.

 

Hindi nagtagal, naubos na lahat ang kanyang salapi. Nang dumating ang taggutom sa bansang iyon ay isa na siyang pulubi. Namasukan siya bilang tagapag-alaga ng mga baboy. Dahil sa gutom, nais na niyang kainin pati pagkain ng mga baboy na alaga niya. Ngunit maging ito ay ipinagkakait din sa kanya ng kanyang amo.

 

Sa ganitong kalagayan, naisip niya ang kanyang ama. Ang mga manggagawa nito ay kumakain nang maayos habang heto siya na nagugutom at walang makain. Agad siyang nagpasyang bumalik sa dating tahanan.

 

Gayon na lamang ang galak ng kanyang ama. Sinalubong nito ng yakap at halik ang nagbalik na anak. “Ama, nagkasala ako sa Diyos at sa iyo. Hindi na ako karapat-dapat na maging anak mo. Ituring mo na lang akong isa sa iyong mga alila,” sabi ng anak sa ama.

 

Ngunit inutusan ng ama ang mga alila na linisan at bigyan ang anak ng pinakamagarang kasuotan. Ipinasuot din niya rito ang isang mamahaling singsing, at binigyan ng sapatos para sa kanyang mga paa. Ipinagpatay din siya ng isang matabang baka at sa ngalan niya ay nagkaroon ng isang pagdiriwang.

 

“Ang anak ko ay nawala at ngayon ay nagbalik. Ipagdiriwang natin ang kanyang pagbabalik,” ang sabi ng nagagalak na ama.

 

Namangha ang nakatatandang kapatid nang dumating siya sa kanilang tahanan. Itinanong niya sa isang katulong kung ano ang sanhi ng pagdiriwang. Nang malaman niya ang sanhi ng kasayahan ay gayon na lamang ang kanyang galit kaya’t di napigilan ang kanyang sarili at sinumbatan ang ama.

 

“Akong masunurin ninyong anak na buong katapatang naglilingkod sa inyo ay hindi ninyo naipagpatay kahit isang guya man lamang. Ngayong dumating ang alibugha ninyong anak na lumustay ng inyong kayamanan ay gugugol kayo nang malaki at magdiriwang!”

 

Sumagot nang marahan ang ama, “Anak ko, ikaw ay lagi kong kapiling. Ang lahat ng akin ay iyo. Tayo’y nagsasaya ngayon sapagkat ang kapatid mong namatay ay muling nabuhay. Siya ay nawala at muli nating nakita.”

 

IV.            PAGTATAYA

 

1.          Pagbubuo ng Repleksyon.

Ang mga mag-aaral ay inaaasahang mag-reflect sa natalakay na parabula ng Alibughang Anak.

§  Sa inyong palagay, ano ang naging kapansin-pansin na eksena sa naturang kuwento?

§  Masasabi mo bang sumasalamin ito sa kasalukuyang mga pangyayari? Bakit?

 

 

2.          Paglalapat

Gamitin sa pangungusap ang mga salitang nasa ibaba na nabanggit sa kuwento:

§  Alibugha

§  Katulong

§  Mana

§  Salapi

§  Nilustay

 

V.              TAKDANG-ARALIN (30 puntos)

 

1.      Basahin ang Parabula ng Nawawalang Tupa. Mula rito, sipiin ang ilang mga linyang nagkaroon ng pagkakapareho sa natalakay na Parabula ng Alibughang Anak.




(8)

TANKA AT HAIKU

IKA-9 NA BAITANG

 

I.                LAYUNIN

 

Sa loob ng isang oras, hindi bababa sa 80% ng mga mag-aaral ang makagagawa ng mga sumusunod na mga layunin na hindi bababa sa 80% na antas ng kahusayan.

 

1.     Nabibigkas ang isinulat na tanka at haiku nang may wastong antala/hinto, at damdamin. (F9PS-IIa-b-47)

2.     Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang salitang ginamit sa tanka at haiku. (F9PT-IIa-b-45)

3.     Naisusulat ang payak na tanka at haiku sa tamang anyo at sukat. (F9PU-IIa-b-47)

 

II.             PAKSANG-ARALIN

 

A.    Paksa: Tanka at Haiku

 

B.    Pagpapahalaga: Pagkakaroon ng kaligiran sa pagpapasakahulugan ng mga tao, bagay, ideya, pangyayari, at iba pa, tungo sa masusing pag-intindi sa kung ano at paano at ang pagkakaroon ng kritikal na pagdalumat sa mga ideya.

 

C.    Kagamitan

 

-   Laptop                                                                                           

-   Aklat

-   YouTube

 

 

 

D.    Sanggunian 

 

o   Filipino Curriculum Guide – Grade 7                

 

o   Tanka At Haiku: Mga Halimbawa At Kahulugan Nito. (2020, February 8). Tanka At Haiku: Mga Halimbawa At Kahulugan Nito. https://philnews.ph/2020/02/08/tanka-at-haiku-mga-halimbawa-at-kahulugan-nito/

  

      

                                               

III.           PAMAMARAAN

 

1)     Panimulang Gawain

 

a.          Panalangin – ‘Only Selfless Love’ ni Jamie Rivera

b.          Pagbabalik-aral

 

Mula sa ating natalakay na paksa patungkol sa iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ng emosyon, ano ang masasabi nating implikasyon ng mga ito sa pagbuo ng mga kuro-kuro? Ano ang kalakip nito?

 

2)     Paglinang sa Gawain

 

a.      Pagganyak

 

Magpapanood ang guro ng isang video clip mula sa YouTube.

 

https://www.youtube.com/watch?v=RAx3BONsvcE

 

 

 

3)     Pagtatalakay

 

Batay sa Literary Kicks, noon pa lamang panahon ng Heian (700-1100) ay nagkaroon at umusbong na ang panulaang Hapon, dahil ito ay naging kahingiang panlipunan.

 

Dalawa sa mga uri ng tulang umusbong ay ang tanka at haiku.

 

§                                  TANKA

 

-        higit 1300 na taon na ang nakalilipas

-        uri ng maikling tulang mula sa Japan na may padrong 5-7-5-7-7.

-        ito ay binubuo ng limang (5) taludtod.

-        katulad ng ibang uri ng tula, ang tanka ay naglalayong magpahayag ng personal na karanasan ng isang tao—maaaring sa pagpapahayag ng pag-ibig—sa limitadong pamamaraan.

 

                    Halimbawa:                                   Araw na mulat

Sa may gintong palayan

Ngayong taglagas

'Di ko alam kung kailan

Puso ay titigil na.

 

 

§                                          HAIKU

 

-        Ika-17 siglo.

-        isa ring uri ng tula na kinalalakipan naman ng padrong 5-7-5 at may tatlong (3) taludtod.

-        Kalikasan ang madalas na nagiging tema ng naturang tula, nguni’t hindi ito nakakulong lamang sa ganoong usapin; maaari din itong pumatungkol sa pagmamahal sa pamilya, sa relihiyon, sa mga hayop, at sa iba pa.

 

 

 

                     Halimbawa:                              Ngayong taglagas

'Di maipigil pagtanda

Ibong lumipad

 

 

A.                    PAGLALAPAT

 

A.1.

 

Babasa ang guro ng sairling gawang tanka at haiku at dito maririnig ng mga mag-aaral kung paano ang angkop na pagbasa sa mga ito nang may pagkiling sa antala, diin, at tono nito. Ang guro ay magpababasa rin ng mga tanka at haiku na mula sa Internet.

 

 TANKA


 1.   Ika’y nasa puso na 

           At di aalis

                                                               Habang tumitibok pa
                                                            O, ang mahal kong sinta

 

2.     Ako’y gutom na

Para sa pagbabago

Ng ating bayan

Para sa ating bukas

Para sa kabataan

 

 

  HAIKU

 

1.     Bayan kong mahal

Buhay ay ibibigay

Iyan ay tunay

 

2.     Ginhawang Asul

Mataimtim na bukas

Ito’y gusto ko

 

A.2.

o   Bilang mga mag-aaral, bakit mahalagang mapag-aaralan ang mga ganitong uri ng tula?

o   Naniniwala ba kayong sa pagbuo ng ganitong uri ng tula ay maipararating nang matiwasay ang angkop na emosyon ng sumusulat?

 

 

IV.           PAGTATAYA

 

Mula sa mga tula na tinalakay kanina, ang mga mag-aaral ay inaasahang makapaglilista ng sampung (10) salitang nasipi mula sa mga akda, at ibigay ang mga angkop nitong kahulugan. (20 puntos)

 

Rubriks:

Kaangkupan ng Kahulugan sa Salita: 10 puntos

Organisasyon: 5 puntos

Kalinisan: 5 puntos

 

Kabuoan: 20 puntos

 

 

V.    TAKDANG-ARALIN (20 puntos)

 

1.     Gumawa ng tig-isang akdang tanka at haiku at ilagay ito sa isang buong papel.

 

Rubriks:

Kaangkupan ng Kahulugan sa Salita: 10 puntos

Organisasyon: 5 puntos

Kalinisan: 5 puntos

 

Kabuoan: 20 puntos




 

             (9)

URI NG KOMUNIKASYON

IKA-9 NA BAITANG

 

I.                LAYUNIN

 

Sa loob ng isang oras, hindi bababa sa 80% ng mga mag-aaral ang makagagawa ng mga sumusunod na mga layunin na hindi bababa sa 80% na antas ng kahusayan.

 

1.     Nakapagbibigay ng katibayan o mga patunay sa pagtukoy ng mga uri ng komunikasyon.

2.     Nakatatamo ng kasiyahan sa mga gawaing komunikatibo.

3.     Nakabubuo ng kongklusyon patungkol sa kahalagahan ng komunikasyon.

 

II.             PAKSANG-ARALIN

 

A.    Paksa

Uri ng Komunikasyon

 

B.    Pagpapahalaga: Sa pagkakaroon ng maayos ay patungo sa epektibong pakikipagtalastasan, mas nagkakaroon ng pag-unawa ang mga tao sa mga danas ng iba pang tao at mahihinuha niya rito ang kanyang posisyon sa kausap man o sa lipunang kinagagalawan.

 

C.    Kagamitan

 

-   Laptop                                                                                           

  Speakers

  YouTube

 

D.    Sanggunian 

 

      Bernales, R. A. (2013). Akademikong Filipino Para sa Kompetetibong Pilipino (2013th ed.). Mutya Publishing House, Inc.

                                               

 

                                               

III.           PAMAMARAAN

 

1)     Panimulang Gawain

 

a.          Panalangin – ‘The Prayer’

b.          Pagbabalik-aral

 

Mula sa ating natalakay na paksa patungkol sa kahulugan ng komunikasyon, paano natin ito mabibigyang-halaga sa panahon ng masasabi nating hi-tech na mga teknolohiya?

 

2)     Paglinang sa Gawain

 

a.      Pagganyak

 

Magpapanood ang guro ng isang video clip mula sa YouTube na umiikot sa kahalagahan at iba’t ibang dimensyon ng komunikasyon.

 

https://www.youtube.com/watch?v=VidD7cqNlwg

 

 

3)     Pagtatalakay

 

Ang komunikasyon ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng mga simbolikong cues na maaaring berbal di-berbal. Sinasaklaw nito ang iba’t ibang uri ng prosesong pangkomunikasyon—ang komunikasyong interpersonalintrapersonal, at pampubliko.

 

a.      Komunikasyong Interpersonal. Ito ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa pagitan ng dalawang tao, sa pagitan ng isang tao at maliit na pangkat. Malaking bahagdan ng komunikasyong nagaganap sa ating lipunan ang nasa uring ito. Ito ang humuhubog ng ating ugnayan o relasyon sa ating kapwa.

 

b.     Komunikasyong Intrapersonal. Ito naman ay tumutukoy sa komunikasyong pansarili. Sangkot dito ang pag-iisippag-alalapagdama, mga prosesong nagaganap sa internal nating katauhan.

 

c.      Komunikasyong Pampubliko. Ito naman ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa pagitan ng isa at malaking pangkat ng mga tao. Ang isang tagapagsalitang nagtatalumpati sa harap ng mga tagapakinig ay nakikipagtalastasang pampubliko.

 

 

A.    PAGLALAPAT

 

Tutukuyin ng mga mag-aaral ang mga sumusunod na ideyang nasa parirala o pangungusap kung ito ay komunikasyong interpersonal, intrapersonal, o pampubliko.

 

1.     Ang paglapit sa guro hinggil sa marka.

2.     Ang pagsangguni sa kompanya para sa pag-apply ng trabaho.

3.     Ang pagkakaroon ng pagtataas sa sariling kumpiyansa.

4.     Ang pagbulong sa sarili.

5.     Ang pakikiusap sa gwardya ng isang mall.

 

 

 

IV.           PAGTATAYA

 

Hahatiin ang klase sa tatlo alinsunod sa tatlong uri ng komunikasyon; ang bawa’t isang grupo ay pipili ng isang representative na magsasalita sa harap upang ilahad sa klase ang napag-usapan patungkol sa paksa. Guguhit ng isang poster ang bawa’t pangkat na pumapatungkol sa napuntang uri ng komunikasyon.

 

 

Rubriks para sa pangkatang gawain:

Pagkamalikhain: 20 puntos

Kaangkupan sa naturang paksa: 15 puntos

Kalinisan: 5 puntos

Pagpapaliwanag: 10 puntos

 

Kabuoan: 50 puntos

 

 

V.    TAKDANG-ARALIN (30 puntos)

 

1.     Makinig sa radyo o manood sa telebisyon ng isang balita at tukuyin ang paraan ng paghahatid ng komunikasyong pampubliko. Mula rito, magtala ng tatlong (3) mahahalagang punto mula sa balitang narinig. Isulat ito sa isang buong papel.



 


             (10)

ANG SALAWIKAIN

IKA-8 NA BAITANG

 

I.                LAYUNIN

 

Sa loob ng isang oras, hindi bababa sa 80% ng mga mag-aaral ang makagagawa ng mga sumusunod na mga layunin na hindi bababa sa 80% na antas ng kahusayan.

 

1.     Nakikilala ang salawikain na ginamit sa napanood na pelikula o programang pantelebisyon. (F8PD-Ia-c-19)

2.     Nakibabahagi sa aktibidad na umiikot sa kahalagahan ng salawikain.

3.     Nakagagawa ng sariling salawikain batay sa sariling karanasan.

 

II.             PAKSANG-ARALIN

 

A.    Paksa

Ang Salawikain

 

B.    Pagpapahalaga: Ang pagtutuon sa paksang salawikain na bahagi ng pagiging mayaman ng panitikan ng bansa ay indikasyon ng pagmamahal sa bansa—sa kultural at sosyal na aspekto nito.

 

C.    Kagamitan

 

-   Laptop                                                                                           

  Whiteboard

-   YouTube

 

D.    Sanggunian 

 

      Salawikain. (2009). Salawikain - Pinoy Edition. https://www.pinoyedition.com/salawikain/

                                               

III.           PAMAMARAAN

 

1)     Panimulang Gawain

 

a.          Panalangin – ‘You Raise Me Up’ ni Josh Groban

b.          Pagbabalik-aral

 

Mula sa ating natalakay na paksa patungkol sa bugtong, bakit natin masasabing sumasalamin ito sa mayaman at malikhaing kultura ng bansa? Ano ang distinksyon nito sa ibang bansa?

 

2)     Paglinang sa Gawain

 

a.      Pagganyak

 

Magpapanood ang guro ng video clip mula sa YouTube na tungkol sa mga salawikain.

 

https://www.youtube.com/watch?v=PQmr_FIu0MI

 

3)     Pagtatalakay

 

Ang salawikain (proverbs sa Ingles) ay mga kasabihan o kawikaan na nagbibigay o nagpapanuto ng magagandang aral o gabay sa pamumuhay, sa asal, sa pakikipagkapwa.

Ang layunin ng salawikain ay ang pagsasabi ng katotohanang hindi mapasusubalian na naging bahagi na ng ating tradisyong Pilipino na ang karamihan ay mula sa ibang bansa at ang iba nama'y mula pa sa ating mga ninuno na nagpalipat-lipat sa mga labi ng mga salinlahi.

 

Mga halimbawa:

 

§  “Aanhin mo ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago, mabuti pa ang bahay-kubo na ang nakatira ay tao.”

 

§  Ang inyong kakanin, sa iyong pawis manggagaling.”

 

 

§  “Ang lumalakad nang mababaw, kung matinik ay mababaw, ang lumalakad ng matulin, kung matinik ay malalim.”

 

§  “Ako, ikaw, at sinumang nilalang, tayong lahat ay arkitekto ng kapalaran.”

 

 

§  “Ang puri at ang dangal, mahalaga kaysa buhay.”

 

§  “Ang tong walang kibo nasa loob ang kulo.”

 

 

A.    PAGLALAPAT

 

Tutukuyin ng mga mag-aaral kung ang mga sumusunod na mga pahayag ay isang uri ng salawikain.

 

1.     Ang isip ay parang itak, sa hasa tumatalas.

2.     Nagsusunog ng kilay ang bata.

3.     Nagbibilang ng poste si Juan.

4.     Ako, ikaw, at sinumang nilalang, tayong lahat ay arkitekto ng kapalaran.

5.     Ang gawa sa pagkabata, dala hanggang pagtanda.

 

 

IV.           PAGTATAYA (10 puntos)

 

Sa puntong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang may natutuhan na sa salawikain at kaligiran nito. Kung kaya’t ang guro ay magsasawa ng pagtataya upang ito ay maases.

 

Sa isang buong papel, sagutin ang mga susunod na tanong.

 

1.     Ito ay isang simple, konkreto, at tradisyunal na kasabihan na nagpapahayag ng katotohanan na base sa sentido komun o karanasan. Ito ay kadalasang dinadaan sa talinhaga.

 

Punan ang sumusunod na salawikain:

2.     Ang inyong kakanin, sa iyong _____ manggagaling.

3.     Ang tong walang kibo nasa ____ ang kulo.

4.     Ang ____ bago sumikat, nakikita muna’y banaag.

5.     Kung ano ang puno siya ang _____.

6.     _____ mo, tapon mo.

7.     _____ alagaan, ito lang ang tahanan.

8.     Kung anong itinanim, siyang ______.

9.     Ang ibinabait ng bata, sa ______ nagmula.

10.  Ako ang nagbayo, ako ang nagsaing, saka nang maluto’y iba nang ______.

 

V.    TAKDANG-ARALIN (15 puntos)

 

1.     Magsaliksik ng sampung (10) halimbawa ng sawikain at magtala sa sangkapat na papel ng limang (5) nakikitang pagkakaiba nito sa salawikain.

 

 

 

  



 

 

 

 














Comments

Popular posts from this blog

Tanka at Haiku (Grade 9)

Mga Pagbabagong Morpoponemiko (Grade 11)

Mga Teorya ng Pinagmulan ng Wika (Grade 12)