Uri ng Komunikasyon (Ika-11 na Baitang)

URI NG KOMUNIKASYON

IKA-9 NA BAITANG

 

I.                LAYUNIN

 

Sa loob ng isang oras, hindi bababa sa 80% ng mga mag-aaral ang makagagawa ng mga sumusunod na mga layunin na hindi bababa sa 80% na antas ng kahusayan.

 

1.     Nakapagbibigay ng katibayan o mga patunay sa pagtukoy ng mga uri ng komunikasyon.

2.     Nakatatamo ng kasiyahan sa mga gawaing komunikatibo.

3.     Nakabubuo ng kongklusyon patungkol sa kahalagahan ng komunikasyon.

 

II.             PAKSANG-ARALIN

 

A.    Paksa

Uri ng Komunikasyon

 

B.    Pagpapahalaga: Sa pagkakaroon ng maayos ay patungo sa epektibong pakikipagtalastasan, mas nagkakaroon ng pag-unawa ang mga tao sa mga danas ng iba pang tao at mahihinuha niya rito ang kanyang posisyon sa kausap man o sa lipunang kinagagalawan.

 

C.    Kagamitan

 

-   Laptop                                                                                           

-   Speakers

-   YouTube

 

D.    Sanggunian 

 

      Bernales, R. A. (2013). Akademikong Filipino Para sa Kompetetibong Pilipino (2013th ed.). Mutya Publishing House, Inc.

                                               

 

                                               

III.           PAMAMARAAN

 

1)     Panimulang Gawain

 

a.          Panalangin – ‘The Prayer’

b.          Pagbabalik-aral

 

Mula sa ating natalakay na paksa patungkol sa kahulugan ng komunikasyon, paano natin ito mabibigyang-halaga sa panahon ng masasabi nating hi-tech na mga teknolohiya?

 

2)     Paglinang sa Gawain

 

a.      Pagganyak

 

Magpapanood ang guro ng isang video clip mula sa YouTube na umiikot sa kahalagahan at iba’t ibang dimensyon ng komunikasyon.

 

https://www.youtube.com/watch?v=VidD7cqNlwg

 

 

3)     Pagtatalakay

 

Ang komunikasyon ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng mga simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal. Sinasaklaw nito ang iba’t ibang uri ng prosesong pangkomunikasyon—ang komunikasyong interpersonal, intrapersonal, at pampubliko.

 

a.      Komunikasyong Interpersonal. Ito ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa pagitan ng dalawang tao, sa pagitan ng isang tao at maliit na pangkat. Malaking bahagdan ng komunikasyong nagaganap sa ating lipunan ang nasa uring ito. Ito ang humuhubog ng ating ugnayan o relasyon sa ating kapwa.

 

b.     Komunikasyong Intrapersonal. Ito naman ay tumutukoy sa komunikasyong pansarili. Sangkot dito ang pag-iisip, pag-alala, pagdama, mga prosesong nagaganap sa internal nating katauhan.

 

c.      Komunikasyong Pampubliko. Ito naman ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa pagitan ng isa at malaking pangkat ng mga tao. Ang isang tagapagsalitang nagtatalumpati sa harap ng mga tagapakinig ay nakikipagtalastasang pampubliko.

 

 

A.    PAGLALAPAT

 

Tutukuyin ng mga mag-aaral ang mga sumusunod na ideyang nasa parirala o pangungusap kung ito ay komunikasyong interpersonal, intrapersonal, o pampubliko.

 

1.     Ang paglapit sa guro hinggil sa marka.

2.     Ang pagsangguni sa kompanya para sa pag-apply ng trabaho.

3.     Ang pagkakaroon ng pagtataas sa sariling kumpiyansa.

4.     Ang pagbulong sa sarili.

5.     Ang pakikiusap sa gwardya ng isang mall.

 

 

 

IV.           PAGTATAYA

 

Hahatiin ang klase sa tatlo alinsunod sa tatlong uri ng komunikasyon; ang bawa’t isang grupo ay pipili ng isang representative na magsasalita sa harap upang ilahad sa klase ang napag-usapan patungkol sa paksa. Guguhit ng isang poster ang bawa’t pangkat na pumapatungkol sa napuntang uri ng komunikasyon.

 

 

Rubriks para sa pangkatang gawain:

Pagkamalikhain: 20 puntos

Kaangkupan sa naturang paksa: 15 puntos

Kalinisan: 5 puntos

Pagpapaliwanag: 10 puntos

 

Kabuoan: 50 puntos

 

 

V.    TAKDANG-ARALIN (30 puntos)

 

1.     Makinig sa radyo o manood sa telebisyon ng isang balita at tukuyin ang paraan ng paghahatid ng komunikasyong pampubliko. Mula rito, magtala ng tatlong (3) mahahalagang punto mula sa balitang narinig. Isulat ito sa isang buong papel.

 

 

 


x

x

Comments

Popular posts from this blog

Tanka at Haiku (Grade 9)

Mga Pagbabagong Morpoponemiko (Grade 11)

Mga Teorya ng Pinagmulan ng Wika (Grade 12)